Chapter 54:

25.2K 627 277
                                    

I'm here at my office, nakatutok na naman sa mga papel na sobrang dami. Jusko pasa ko na sainyo tong trabaho ko? Dali open niyo share it niyo.

It's lunch time na di pako nakakakain, jusko wala man lang bang maghahatid sakin ng pagkain? Tulad ng iba na bida sa Wattpad ganon?

By the way, ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Aquil, last na nakita at nakausap ko siya ay yung birthday pa ng kambal.

Nasa mental na ata. Charot.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at pag aayos ng mga papel ng may pumasok.

"Ma'am, you have a meeting po mamayang 3 pm with the stock holders." Dianna said na tinanguan ko lang at nagpatuloy sa ginagawa.

Ramdam ko parin ang presensya niya sa harapan ko kaya nag angat ako ng tingin.

"Bakit?" Tanong ko pero nakatingin parin siya sakin.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot niya, bat ba palaging nakabukas botones niya?

Masyado ding maiksi yung suot niyang skirt.

Pansin kong dahan dahan siyang naglakad papunta sakin kaya nakaramdam ako ng pagkadiskomportable.

Nasa tabi ko siya ng hinarap niya ang swival chair ko sa kanya at yumuko kaya kitang kita ko na ang naglalakihang hinaharap niya.

Hinawakan niya ang balikat ko kaya napaigtad ako, hinaplos haplos niya ito sa malanding paraan.

"D-Dianna? A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong.

Nagpatuloy siya sa paghaplos sa balikat ko hanggang sa umabot ito sa leeg ko at gamit ang isang kamay ay binuksan pa ang isang botones ng polo kaya mas kitang kita ko na hinahanap niya.

Wtf? Ano ba ginagawa niya? Sa tingin niya madadala niya ako sa paganyan ganyan niya?

Kung si El gumagawa nito kanina pa kami nasa kama.

Hoy charot lang.

Marahan ko siyang tinulak palayo sakin at inilayo ang swival chair ko pero agad niya itong napigilan at kumandong sakin at ikinawit ang braso sa leeg ko.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo, Dianna?" Seryoso kong tanong na nagpangisi sa kanya.

"Isn't it obvious, Ma'am? Hmm I know you like girls who have a big boobs. You can use me." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Hoy ang kapal ng mukha sa part na gusto ko ng mga babaeng malalaki yung ano ah?

Bat kay El di naman malaki ah pero nagustuhan ko parin?

Di ko namalayang inilapit niya na ang labi niya sa labi ko, di agad ako nakagalaw dahil sa gulat.

Doon lang ako nabalik sa ulirat ng marinig kong bumukas ang pinto.

"WHAT THE FCK!!?"

Agad kong naitulak si Dianna dahil sa tinig na yon.

Napatingin ako kay El na ngayon ay nag aapoy sa galit ang mukha. Patay kayo kay mameh.

"Get out, Dianna." Napahilot ako sa sintido dahil kumindat pa siya bago rumampa paalis.

Pagkaalis niya ay ibinalik ko sa atensyon ko sa trabaho ko.

"What was that, Yana?"

"Nothing." Maikli kong sagot.

Hindi siya sumagot kaya nag angat ako ng tingin. Kita kong nakatingin siya sa ibabaw kaya napatingin ako don. May ipis ba? Kita ko din ang pagkuyom ng kamao niya at paglunok.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now