Chapter 6: Combi

26.3K 835 215
                                    

Akmang magsasalita pa sana siya ng dali dali akong nagpaalam.

"A-ah Prof, labas na po a-ako ah? Mag stastart na yung kasunod ko na klase hehe. Byebye!" Kinakabahan kong sabi at dali daling lumabas ng room, nakaka suffocate pag kami lang dalawa magkasama.

Pagkarating ko sa kasunod ko na class ay ibang Prof ang naabutan ko sa loob. Kelan pa gumanda si Mrs. Santos? Chariz. Akmang isasarado ko na sana yung pinto kasi baka namali lang ako ng room na pinasukan nang...

"Who are you miss?" Magkapatid ba sila ni Elsa?

"A-ah ma'am sorry po namali ata ako ng pinasukan." Nakita kong nagpipigil sa tawa mga estudyante, na realize ko yung sinabe ko. God! "I-i mean mali po ako ng napasok na room, sorry po." Paghinge ko ng tawad.

"I'm asking if who are you. You gave me wrong answer." Nakataas kilay niyang saad. Hmp.

"Sevriana Aqua Vaugh po." Magalang kong pagpapakilala.

"You're in correct room, Miss Vaugh. I'm the substitute teacher of Mrs. Santos." Huh? Nilibot ko paningin ko, nakita kong nagpipigil ng tawa si Xelly. Siraulo ampt.

"O-okay ma'am, I'm sorry po." Tumango lang siya kaya pumasok nako. Tumabi ako sa baliw na kanina pa nagpipigil ng tawa niya. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay class, I'm Celine Aria Lee the substitute teacher of Mrs. Santos. I hope we get along guys. No need to introduce yourselves I already know all of you." Yon lang at nag proceed na siya sa lesson.

"Group yourselves into 5. You guys need to report about this topic. I need your report guys this coming next weekend." Grabe si ma'am, bagong bago nagpa ganto agad. Agad naman nagsing ayunan ang nga kaklase ko.

Automatic na magkarupo na kami ni Xelly, hinihintay nalang namin na may lumapit samin. Ilang sandali pa ay may tatlo nang lumapit.

"Ahm, hi napansin kasi namin na kayong dalawa lang magkagrupo kaya lumapit na kami, kulang din kasi kami ng dalawa. Ahm kung okay sa inyo tayo nalang Lima magkakagrupo?" Tanong ng babaeng malaki mata. Maganda naman siya mukha lang siyang bitch.

"Ah yeah, sige. Kelan ba natin gagawin yon?" Ako na nagsalita kasi mukhang napipe ata tong katabi ko.

"Kelan ba kayo free?" Tanong naman nung babaeng mukhang unano, ang liit.

"Saturday lang ako free eh, ahm kayo ba?" Balik tanong ko. Sabe din naman nila na Ganon din sila kaya napagdesisyonan namin na sa sabado nalang kami gagawa at sa condo ko nalang gagawin. Sumang ayon naman sila. Sakto namang tapos na kaming mag usap usap ay nag bell na rin, break time na.

Dali dali na kaming nag ayos ng gamit ni Xelly dahil nag message na sa gc namin ang mga Magdalena na nasa cafeteria na sila. Pagdating namin doon ay napansin kong may iba pang kasama sa table.

Paglapit namin ay nakita kong mga Professor ang naroon. Nagtatanong ang matang tumingin ako sa mga kaibigan ko. Si Ivan na ang sumagot.

"Ah Tubig, Wala na kasing ibang table kaya nakitable na sila satin." He said na tinanguan ko nalang. Naupo ako sa harap ni Elsa. Ok guys andito si Elsa.

Apat na professors ang andito, kasama na ang pinsan kong gurang na katabi ko ngayon. Andito din si Miss Celine. At meron pang Isang di kilalang Professor.

"Girls, kami nalang ang bibili ano sa inyo?" Tanong ni Ethan.

Kinalabit ko si gurang hudyat na ililibre nyako. Binulungan ko siya.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now