Chapter 3: Drunk

32.5K 920 174
                                    

Pagtapos kong maglabas ng dapat ilabas ay lumabas nadin ako ng cubicle at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay at maghilamos.

Naghihilamos ako ng may pumasok sa restroom pero di ko nalang pinansin, nang biglang tumunog ang cp ko. Tinignan ko kung sino ang caller, ganun nalang ang tuwa ko ng makita kung sino ito. It's my best friend! Sinagot ko agad at bumalik sa pag hihilamos.

"Hey Love!" Masaya nyang bati sakin, aha may kelangan to kase ganto tawag sakin. Sabayan ko nalang.

"Hmm, hey love napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Hehe miss lang kita bawal ba?" Pang uuto nya, di pa talaga sabihin kung ano kelangan.

"Isa, Athena." Pagbabanta ko, alam niya na ibig kong sabihin niyan. Narinig kong bumuntong hininga sya kaya napatigil ako sa paghihilamos.

"Totoo nga, miss na kita. Tagal na natin di nagkita eh, nung nag bar tayo last two weeks bigla kang nawala." Malungkot nyang sabi. "By the way, punta ako sa condo mo mamaya, don ako matutulog magdadala nalang ako ng damit ko bukas." Excited nyang sabi kala mo naman matutuloy.

"Last two weeks? Yung kasama natin si Aquil? Umuwi nako non, bigla ka kasing nawala e, pati si Aquil nawala akala ko nga nakauwi na sya sa bahay non pero wala naman siya." Mahaba kong lintaya sa knya. May nararamdaman akong presensya sa likuran ko pero binalewala kolang.

"Ay di nako magtataka kung bakit nawala si Aquil nun, love. For sure may nabiktima na naman yon." Natatawang sabi nya.

"Ay wait, speaking of biktima. May nakwento sya sakin naka one night stand nya daw, pero di ko alam kung kelan yon. Lam mo hinahanap nga niya eh." Natatawa ko ding sagot.

"Hulaan ko, love inasar ka na naman non dahil virgin ka pa?" For sure nakangisi tong bruha.

"Shut up, Athena! Bat ba pati yang bagay na yan pinapakealaman nyo sakin, di naman siguro big deal yon, ano? Alangan namang tumulad ako kay Aquil na kung sino sino nakakama?" Naiinis kong sabi.

"Try molang naman kasi, di mo pa kasi alam yung pakiramdam pag ginagawa na yung bagay na yon, for sure pag nangyare na sayo hahanap hanapin mo na." Pang aasar nya pa, pvta di nalang manahimik.

"Gugustuhin ko pang mamatay kesa makipag sex, Athena. Bahala ka jan wag kang papakita sakin mamaya." Huling sabi ko bago sya patayan ng tawag. Pinunasan ko na mukha ko.

Nang akmang lalabas nako ay napansin kong nasa likod ko si Prof. Alcantara. Ggi kanina pa ba siya diyan?

"P-prof kanina ka pa po ba jan?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Yes. And I heard what happened to you two weeks ago, nag bar kayo ng kaibigan mo?" Tanong niya na ikinatango ko.

"Tsaka ng kapatid ko po Prof. Bakit po?" Tanong ko. May hindi talaga tama e.

"You're drunk that night?" Lasing? Di naman ako nalasing non eh. Umiling ako kaagad.

"Di po ako lasing, nakauwi nga po agad ako nung mapansin kong wala nakong kasama eh. Bakit po ba?" Nagtataka na talaga ako.

"N-nothing. You should go, malelate kana sa class mo." Malamig niyang sabi at lumabas na ng restroom.

Dumaan ang ilang oras at tapos narin ang klase, miss ko na ang kama ko! Dali dali akong nag ligpit ng gamit. Akmang lalabas na ako nang pigilan ako ni Xelly. Ay nakalimutan ko kasama ko nga Pala siya!

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now