Chapter 28:

23.1K 634 78
                                    

Nagsimula na ang klase namin, hindi narin kami same ng sched ni Xelly.

And about sa nangyare sa vacation namin, sobrang saya lalo ma't girlfriend ko na si Ma'am.

Girlfriend ng dalawang buwan.

Natapos ang pasko at bagong taon na si El ang kasama ko. Yon na ata ang pinakamasayang bungad sakin ng bagong taon.

Bumalik nadin si Athena sa pinanggalingan niya. Bibisita bisita nalang daw siya dito pag may free time siya.

About naman samin ni El, masyado na akong desperado na maiparamdam sa kanya na mahal ko siya.

I always visiting her in her condo. Yung condo na kung san niya ako dinala nung nalasing ako. Don daw kase muna siya tumutuloy di daw muna don sa mansion.

Masyado paring malamig at matigas Professor niyo, kasing tigas ng ano niya....

Ng puso niya.

Kayo ah anong inisiip niyo?

Limang araw lang naman ang bakasyon namin non kaya bale mag dadalawang linggo nadin kaming mag girlfriend.

Ang bilis ng panahon.

Kasalukuyan akong nasa office niya ngayon. Siya naman ay busy kaharap ang laptop niya, habang ako? Busy kakatingin sa kanya.

"Stop staring, Yana." Sabi niya pero sa laptop parin nakatingin.

"Ma'am bat kase sobrang ganda mo eh?" Tanong ko pero di niya ako sinagot. "Ma'am date tayo." Dahil sa sinabi ko ay bigla siyang nag angat ng tingin. "Ay busy ka po pala, next time nalang." Kamot kilay kong saad.

"Where? I'm not busy, it's not that important naman. Wait let me arrange this first." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Agad ko naman siyang tinulungan sa pag aayos.

"Let's go."

"Yeah, ako na po mag dadala ng bag mo."

Agad niya namang ibinigay sakin iyon at ako narin ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

Gentlegay tayo mga ferson.

"Let's use my car." Tumango lang ako sa kanya at nagpunta na kami ng parking lot.

Pagdating sa parking lot ay agad naman naming hinanap ang kotse niya, di naman kami nahirapan dahil naka VIP ang kotse mga mare. Ako narin ang nagbukas ng pinto para sa kanya bago sumakay sa driver seat.

Nagsimula na akong magmaneho, tahimik lang kaming dalawa.

Naisipan kong basagin ang katahimikan.

"Ma'am, mukha ka pong nanay." Saad ko na nagpalingon sa kanya.

"Ikaw mukha kang tipaklong."

Tngina.

"Ma'am babanat ako eh, sasabihin ko sana nanay ng magiging anak natin. Ansama mo ma'am ah." Himutok ko sa kanya.

"Tsk so lame. You're not even pregnant." Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Pwede namang ulitin Ma'am para magkalaman tyan ko diba?"

"Why? You like it? You want to do it again?" Sunod sunod na tanong niya.

Oo naman. Landede.

Kaso baka sabihin niya mistake na naman.

Di ko na siya sinagot dahil andito narin naman kami sa park.

Yes, park. Sa park ko siya dinala.

"Where are we?" Tanong niya pagkababa niya ng kotse.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now