Chapter 9: Eat

27.4K 815 349
                                    

Kapal ng mukha netong professor na to, hinalikan ako kagabi tas ngayon iba na naman kahalikan! Asan ang hustisya.

Dahil sa pagpasok ko ay natigil ang halikan nila at bahagya pang nagulat si Elsa.

Di dapat ako nasasaktan, right? Wala naman akong karapatan, di ko din naman siya gusto. Pero bakit feeling ko pinagtaksilan ako.

"Don't you know how to knock?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang PROFESSOR ko. Capslock ko para tumatatak sa utak ko na professor ko to.

"A-ah sorry po, ma'am. Nakabukas po kasi yung pintuan kaya pumasok na ako. Sorry po ulit." Akmang magsasalita ulit si Prof ng magsalita ang babaeng nasa tabi niya. Si octopus Pala.

"Hey stupid girl! Ikaw yung nakabangga sakin kanina ah." Bwiset na octopus to oh.

"I already apologize, Miss. Nasa sayo na po yan if tatanggapin mo o hindi. Excuse me po Prof, aalis na po ako mukhang wala ka naman pong sasabihin. Sorry po ulit sa abala, pede niyo namang ituloy." Lalabas na sana ako ng magsalita si Prof.

"Clean the girl's comfort room, had you forgotten you have detention?" Tsk.

"And one more thing, learn how to respect. You can go now, next time don't flirt inside my class. Disgusting." Tngina. Parang libo libong karayom ang tumusok sa puso ko sa sinabi niya. Walang respeto? Dahil ba sa pagsagot ko sa GIRLFRIEND niya kaya niya ako sinabihan niyan?

Nag sorry naman na ako ah? Ano ba gusto ng octopus na Yan, lumuhod pako? Uhuh, never! Si ma'am lang ang luluhuran. Tae bat ba ang landi ko!

Tsaka ano, disgusting? Ano bang disgusting sinasabe niya? E mas nakakadiri nga yung kung sino sino hinahalikan niya eh. Hmp!

Di ko na siya sinagot at lumabas na, dumiretso na ako sa Cr ng girls para maglinis. 9Am pa naman may ilang oras pako para maglinis bago mag lunch.

Habang naglilinis, nag iisip ako kung pano ko mapapainlab sakin si Ma'am. Charot. Iniisip ko kung bat ang ganda ko? Ang ganda ko tas wala man lang gusto si ma'am sakin?

Buntisin ko kaya siya?

Charot.

Dalawang oras ang ginugol ko sa paglilinis ng banyo. Pvnyetang mga babae to kung saan saan tinatapon yung napkin. Saktong nagpapahinga ako ng nag text si Xelly na nasa Cafeteria na daw sila.

Dali dali akong nag ayos ng mukha ko, maganda parin naman ako kahit mukhang pagod pero need ko parin mag ayos para naman mas maganda.

Pagdating ko sa cafeteria ay bumungad agad sakin ang kaingayan ng mga kaibigan ko. Tinawag ako ni Ivan kaya dali dali akong pumunta sa table nila.

"Hey guys." Bati ko sa mga alagad ko.

"Oh kamusta detention?" Natatawang asar ni Xelly. Napanguso ako dahil sa tanong niya.

"Bwiset ka, dapat ikaw rin nadetention eh! Ikaw naman tong lumapit sakin non nadamay lang ako." Nakanguso kong sabi.

"Really? As far as I know pinadetention kita kase late ka." Lord Kunin mo na po ako. Shvta ngayon kolang napansin na may kasama pala kaming professors. Andito din si Elsa na siyang sumabat sa usapan namin.

"Kasalanan naman kasi ng octopus mong girlfriend yon kaya ako nalate eh." Bulong ko sa sarili.

Di na ako nagsalita sa kanya at naupo nalang sa tabi ni Gurang na kanina pa nakatitig kay Xelly, inlab na inlab ah. Pinitik ko noo niya para naman mapansin niyang nasa tabi niya na ako, at syempre papalibre narin.

Shh, Professor! [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon