Chapter 13: Jealous?

28.6K 754 116
                                    

Ilang araw nalang ay laban na namin kaya puspusan ang practice namin halos alas 8 na kami ng gabi nakakauwi, hindi ko na din muna masyadong nagugulo si ma'am dahil nga sa sobrang busy ko. Dagdag pa yung mga school works na need na ipasa dahil malapit nadin matapos ang semester.

At isa pang dahilan kaya di ko na nakukulit si ma'am dahil palagi ko siyang nakikita kasama yung babaeng octopus, tsk cheater ka ma'am.

Kasalukuyan kaming nagpapractice ngayon sa gym pero nagpapahinga muna kami. Katabi ko ngayon si Anding tapos sa kabila ko naman ay si Joanna na umaming may gusto sakin.

"Wala ba talaga akong pag asa sayo, Sev?" Tanong nito sa tabi ko na nagpatahimik sa mga kasamahan namin, narinig pala nila.

"Oo nga Sev, maganda naman si Joan eh tas mabait siraulo nga lang." Singit naman ni Alexa.

"True sis, hoy teh matuto kang lumandi landi naman." Sabat naman ni Andeng. Ay teh malandi ako, sa isang tao nga lang.

"Hmm sorry talaga Joan pero wala pa talaga sa balak ko ang pumasok sa relasyon." May balak naman, maliban nalang kung ikaw si ma'am. Charot.

"Girls get up, let's continue our practice it's already 6:30 na para naman makauwi na kayo." Agaw ni coach sa atensyon namin kaya dali dali kaming tumayo.

Nagsimula na ulit kaming nagpractice. Masasabi kong handa na nga ang lahat para sa darating na laban.

Isa't kalahing oras pa bago natapos ang practice namin. At salamat ay natapos narin, wala na kaming practice bukas dahil pahinga na namin para sa darating na labas sa martes.

Naligo muna ako bago tuluyang umalis dahil para matutulog nalang ako pag uwi ko sa bahay.

As usual, naghihintay na naman ako ng masasakyan dito sa labas ng university. Tsk pag ako talaga yumaman bibili talaga ako ng sasakyan.

Papikit pikit na akong naghihintay ng masasakyan nang may biglang bumusina sa harapan ko. Pamilyar na kotse ang bumungad sakin. Alam kong si Elsa to.

"Get in." Di nako nakipag talo dahil pagod na talaga ako.

Pagpasok ko ay sumandal agad ako sa bintana dahil sa sobrang pagod.

"Are you okay?" Nag hmm lang ako at pumikit.

Di ko namalayang naka idlip na ako, nagising nalang ako ng may naramdaman akong nay humahaplos sa pisnge ko.

"Wake up." Grabe makapag utos ah.

Nagmulat nalang ako ng mata kahit na gusto ko pang matulog.

"Thank you po, Miss Alcantara. Ingat ka po sa byahe pauwi." Pagpapaalam ko at humalik sa pisnge niya. Bahagya pa siyang nanigas at namula pa ang pisnge.

Akmang bababa na ako ng tumunog yung cellphone ko. Si Gurang kaya sinagot ko muna.

"Hey gurang." Napatingin ako kay Miss-maam ng makita kong sobrang higpit ng hawak niya sa manobela, may galit ba to sa sasakyan niya?

"Hey baby, I'm here at your condo. Dito ako matutulog ah, asan ka na? Nakapagluto nako ng paborito mo." Malambing niyang sabi sakin sa kabilang linya.

Si ma'am naman dito sa tabi ko ay parang sobrang laki ng galit sa harapan.

"Nasa baba na ako, wait mo nalang ako jan."

"Okay, I love you."

"Hmm, I lov-" di ko na naman natapos ang sasabihin ko ng inagaw sakin ni Ma'am yung cellphone at pinatayan ng tawag si Gurang.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now