Chapter 57:

24.6K 563 472
                                    

Sevriana Aqua Vaugh POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis si El pero agad ding bumalik dahil napag isip isip niyang sa Bahay nalang siya para masiguradong ligtas kami.

I'm here at my office right now. Ang kambal naman ay nasa school, ang daming nakabantay na body guard sa kanila jusko. Pati narin sakin.

Napahilot ako sa sentido dahil sa problema ng kompanya. Pano ba naman mahigit 3milyon ang nawawalang pera ng kompanya, hindi ko alam kung sino ang traydor dito punyeta.

Isang linggo ko na din tong problema, wala naman akong maisip na may kaaway ako dahil hindi naman ako palaaway.

Patuloy ako sa pag aasikaso sa mga papeles na nagkalat sa lamesa ko ng bumukas ang pinto at iniluwa si Dianna.

Isang linggo narin ako nitong hindi tinitigilan. Palagi nang aakit.

"Ma'am you have a meeting at 1pm."

"Ok."

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa pagbabasa ng mga pesteng papel. Ramdam ko parin ang presensya ni Dianna sa harap ko kaya napabuntong hininga ako bago nag angat ng tingin.

"Labas." Kita kong ngumisi siya at dahan dahang lumapit sakin.

"Oh I'm sorry pero hindi ko yan susundin." Unti unti niyang binuksan ang polo na suot niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Gagang babae to balak pa ata maging bold star.

"Bakit mo ba to ginagawa, Dianna?" Madiing tanong ko sa kanya, mas lalo siyang napangisi sa tanong ko.

"Well, wala lang. Bakit kase hindi mo nalang ako gamitin. Mas masarap naman ako kesa sa Ash na yon eh." Malandi niyang sabi at tuluyang hinubad ang polo na suot niya.

"Umalis ka na Dianna bago pa kita tanggalan ng trabaho." Nagsimula na akong mainis dahil sa pinagsasabi niya.

"Tsk tsk tsk. Edi gawin mo." Sinimulan niya naring hubarin ang skirt niya kaya mariin akong napapikit at napakuyom ng kamao.

"Fck! Sinabi kong lumabas ka, Dianna!" Sigaw ko na nagpaigtad sa kanya.

Akala ko makikinig siya pero hindi. Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya at akmang tatanggalin niya ang bra niya ng bumukas ang pinto.

"Hoy halaka bold!" Gulat na sigaw ng mga kaibigan ko na dumating.

Gulat ding napalingon si Dianna sa kanila at dali daling kinuha ang damit niya na nagkalat at nagmadaling lumabas ng opisina ko.

Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ko na umupo sa couch at di makapaniwalang nakatingin sakin.

"Hoy halaka cheater ka! Susumbong kita kay Ma'am!" Pananakot ni Joy pero tinaasan ko lang siya ng kilay bago ikutan ng mata.

Susumbong e wala naman kami non.

"Dewow. Ano ba ginagawa niyo dito?" Nagkatinginan naman silang anim.

"Don kami sa bahay mo titira." Nagloading sandali ang utak ko dahil sa sinabi ni Ivan.

"WHAT!? MGA BALIW BA KAYO!? WALA KAYONG BAHAY?" Sigaw ko sa kanila agad naman nilang tinakpan Tenga nila. Tsk.

"OA sis ha, hayaan mo na para bonding bonding din tayo ganon." Sagot naman ni Scarlet na sing ayunan naman ng lima.

Napahilot ako sa sentido bago nagbuntong hininga at tumango. Nagsigawan naman sila.

Shh, Professor! [Unedited]Место, где живут истории. Откройте их для себя