Chapter 31:

22.8K 655 274
                                    

Andito kami ngayon sa auditorium dahil may iaannounce daw yung SSC President.

Ilang sandali pa ay pumosisyon na ito sa gitna kaya natahimik na ang mga tao.

"Good morning, students. I'm here to announce that the engineering department and architecture department were having a field trip. So be ready. That's all, thank you."

Tsk yon lang pala iaannounce kala ko kung ano na. Pwede namang ipasabi nalang sa mga professors tas sila na magsasabi saming mga studyante dahil architecture at engineering department lang naman pala yung may field trip.

"Tara cafeteria tayo, nagugutom ako." Pang aaya ni Joy.

"Gago palagi ka namang gutom." Pabalang na sagot ko sa kanya.

Nagtawanan naman kaming anim na siyang ikinasimangot ni Joy. Mukha siyang pato na kulang sa pansin.

"Oy wag mong ganyanin yan Sevsev, may alagang bakunawa yan sa loob ng tyan niya baka nagwawala na tara na sa cafeteria." Sabat naman ni Ivan. Wala na akong nagawa dahil gusto rin talaga nilang pumunta ng cafeteria.

Habang naglalakad sa hallway ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Elsa❄️
   Come to my office.

Nagreply lang ako ng okay sa kanya.

"Gays, puntahan ko muna misis ko." Pagpapaalam ko sa kanila na ikinaismid nila.

Yes alam nila yung pabor na hiningi ko kay El, at isang malalakas na batok lang naman ang natanggap ko galing sa kanila.

Ang tanga tanga ko daw. Tsk.

"Tsk. O siya alis na, gumamit ng proteksyon ah."

Tinanguan kolang sila at umalis na, baka bugahan na naman ako ng apoy nung misis ko na yon.

Pagdating ko sa tapat ng office niya ay nagtaka ako ng makita kong maliit itong nakabukas. Papasok na sana ako ng marinig kong magsalita si El.

"I already found her, I'm planning to tell her about what happened to the bar when we met. I'm gonna marry her." Malamig na sambit ni El na nagpakaba sakin.

S-sino ba tinutukoy niya? B-bar? D-diba ang papakasalan niya lang ay yung kung sino ang nakauna sa kanya? S-so that's she mean is sa b-bar una niyang s-sex.

Nangilid ang luha ko sa kaisipang hindi ako ang una ni El. Sa bagay, bakit niya nga naman ibibigay virginity niya sakin eh wala lang naman ako sa kanya.

Narinig kong nagpaalam na si El sa kausap niya kaya dali dali kong inayos ang sarili ko at kumatok.

Narinig ko namang nag "come in" siya kaya pumasok na ako.

"Good morning, Love." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.

Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

Nilock ko muna ang pinto dahil baka ano hehe.

Paglapit ko sa kanya ay agad niya akong hinila paupo sa kandungan niya.

"Good morning too, Love. Wala ka bang klase?" Malambing na tanong niya.

Agad naman akong umiling. Mamayang hapon pa klase ko, sadyang trip kolang pumunta ng school para makita siya.

Gusto ko sanang tanungin kung sino ang naka una sa kanya kaso masyado naman ng private yon kaya ipinilig ko nalang ang ulo ko at isinawalang bahala.

"Mamayang hapon pa po." Sagot ko at sumandal sa balikat niya.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now