Chapter 39:

19.9K 645 365
                                    

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto, kwarto ko. Gagalaw na sana ako ng may maramdaman akong katabi ko.

Laking gulat ko ng makita kung sino.

Si Kuya Justine.

Tinignan ko siya at ang katawan ko, p-pareho kaming hubo't hubad sa ilalim ng kumot.

W-wala akong matandaan na may nangyari sa amin, tngina mas lalo akong hindi mapapatawad ni El nito.

Napaupo ako dahil sa kaba, naramdaman ko naman ang paggalaw ni Kuya Justine. Naluluha akong nakatingin sa kanya.

"K-kuya, a-anong nangyari???" Basag ang boses kong nagtanong sa kanya. Hindi siya sumagot at nag iwas lang ng tingin.

Nabaling ang atensyon namin sa taong biglang nagbukas ng pinto.

Si El na galit na galit.

Bigla niyang sinugod at pinagsasapak si Kuya Justine. Hindi ko naman mapigilan dahil nakahubad ako at tanging kumot lang ang takip sa hubad kong katawan.

"Fck you, kuya!!! Ughhh!!!" Nanggagalaiting sigaw ni El at patuloy na pinagsasapak ang kuya niya. Hindi naman lumaban si Kuya Justine at hinayaan niyalang si El sa pagsapak sa kanya.

Ako naman ay umiiyak at napilitang tumayo para pigilan si El, hirap may tumayo dahil sa kumot ay pinilit ko.

"E-El t-tama na E-El!"

Napahinto siya sa pagsapak sa kuya niya at galit na lumingon sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"You slut! Sevilyn is right. Your fcking slut! Kadiri ka! Kuya ko pa? Kadiri kayong dalawa!" Paghigpit ng paghigpit ang paghawak ni El sa isa kong braso at hawak ng isa niyang kamay ang mukha ko. "I hate you, I fcking hate you, Sevriana! Nakakadiri kayo! Ang landi mo, Ang landi landi mo! Ano masarap ba kuya ko ah? Mas magaling ba siya sa kam-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng malakas ko siyang sinampal dahilan para magdugo ang labi niya.

"Walang nangyari samin! Kuya s-sabihin mo please na walang n-nangyari satin, kuya please. P-please E-El ayusin natin to E-El, wag mong s-sabihin y-yan galit ka lang p-please E-El pag usapan natin to ng maayos. E-El m-mahal mo ko d-diba?" Napahigpit ang hawak ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko ng bigla niya akong hinalikan, agresibo ang paraan ng paghalik niya dahilan para masugatan ang labi ko.

"Do you think that I will believe you? No! Sevilyn is much better than you! Don't come near me again. And no, hindi kita mahal at hindi kita minahal. It's just all act and mistake." Galit nyang saad at sinakal ako.

Bigla naman siyang sinapak ni Kuya Justine dahilan para mapatumba siya.

Ako naman ay habol hininga at inalalayan ni Kuya na ngayon ay naka boxer na.

"Tangina mo, Quiel! Wag na wag mong sasaktan si Sev. Wala kang karapatan na saktan siya putangina mo!" Malakas na sigaw ni Kuya Justine, bakas na din sa mukha niya ang galit.

"Wow! Ang galing! Magsama kayo! Mga malalandi."

"Talagang magsasama kami lalo na ngayong ipinagbubuntis ni Sevriana ang anak ko." Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Justine kaya nasampal ko siya.

"A-anong pinagsasabi mo kuya? W-walang nangyari satin!! N-never na may nangyari satin!"

"What a cheater, Sevriana! Hindi ka lang malandi, cheater ka pa. Nakakadiri at pumatol ako sayo." Huli niyang sinabi bago tuluyang lumabas ng kwarto, doon na ako tuluyang napaupo at napahagulhol.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now