Chapter 10: Confused

27.7K 751 73
                                    

Ilang araw na ang lumipas matapos ang pangyayare sa office ni Elsa, pero eto ako umiiwas sa kanya. Alam niyo kung bakit? Syempre di niyo alam di naman kayo ako eh.

Iniiwasan ko siya dahil natatakot na ako sa nararamdamang meron ako para sa kanya. Ilang buwan palang naman kaming magkakilala imposible namang gusto ko na siya.

Ayoko.

Natatakot ako na baka pag nagkagusto ako sa kanya, tas dumating sa point na mahalin ko na siya ay masaktan ako, natatakot akong masaktan, mahina ako eh.

Natatakot akong iwan ulit kahit na sanay naman na akong mag isa.

Masyado akong nag ooverthink eh, babalewalain ko nalang to.

Andito kami ngayon sa coffee shop nila Allen, yayamanin ang Magdalena namin. Bonding daw kami pero eto ako nakatulalang nakatingin sa malayo.

Nabalik lang ako sa ulirat ng isa isa akong binatukan ng anim, pvta nagdadrama ako dito eh.

"Ggo inaano ko kayo?" Tanong ko habang hinihimas ang likod ng ulo ko. Isa isa naman silang umirap, tanggalin ko mata niyo eh.

"Girl kanina ka pa namin tinatawag pero parang sobrang lalim ng iniisip mo. Okay kalang ba?" Pag aalalang ni Allen. Si Allen yung tipong seryosong tao, tahimik lang siya. Sinang ayunan naman ng iba ang tanong ni Allen.

I sighed.

"Pinoproblema ko kasi..." Naghintay sila sa sasabihin ko pero nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi na muna.

"Pvtangina ano? Natulala ka na naman!" Sabay na sabay na sabi nila na tila naiinis na. Amazona ang mga Lola niyong Magdalena.

"Pinoproblema ko kasi kung bakit sobrang ganda ko, ayan tuloy daming naghahabol saki-" di ko na natapos ang sinasabi ko nang isa isa na naman nila akong binatukan. Nga sadista amp.

"Tngin* mo wala kang kwenta kausap." Singhal sakin ni Joy. Napanguso naman ako, Wala ba akong kwenta kausap?

"Di nga Tubig, may problema ka ba? Ilang araw kana kasing ganyan." Seryosong sabi ni Xelly, gagi di bagay sa kanya. Gusto ko siyang tawanan kaso wala ako sa mood tumawa.

Napabugtong hininga ulit ako dahil sa tanong niya, di ko pa kaya sabihin. Gusto ko munang klaruhin ang nararamdaman ko.

"Wala guys, salamat sa pag aalala niyo pero sorry di pako ready magkwento eh." Nahihiya kong sabi sa kanila.

"Ayos lang yan tol, handa naman kaming maghintay kung kelan ka magkekwento basta pag kailangan mo kami andito lang kami ah?" Sabi naman ni Ethan. Ang swerte ko talaga sa kanila kahit mga siraulo sila minsan– I mean palagi.

"Baka naman may nagugustuhan kana Tubig kaya ka ganyan?" Epal na tanong naman ni Xelly kaya napatingin silang lahat sakin.

"Hays, Ang epal mo talaga. Actually medyo ayon nga pero di pako sigurado sa nararamdaman ko. Natatakot kasi ako eh." Nakayuko kong pagkekwento sa kanila. Akmang magsasalita sila ng may babaeng nagsalita kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya o sakanila.

Kung minamalas ka nga naman! Sila Elsa! Kung kelan naman iniiwasan ko na Lord ngayon mo pa kami pinagtagpo.

"Hey kids, parang ang seryoso ng usapan niyo ah at titig na titig kayo kay Aqua." Sabi ni Gurang. "By the way, pede ba makitable? Wala na kasing table e, pang sampuan naman tong table niyo if okay lang?" Tanong niya ulit.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now