Chapter 21:

25.7K 753 519
                                    

Pagkatapos ng tagpong iyon ay nagbayad nadin si Joan at umalis na kami.

Ang professor naman ay patuloy paring nakatingin sakin non, or should I say, sa tiyan ko.

Ang gaga wag niyang sabihing iniisip niya ring buntis ako?

Ilang araw na ang lumipas matapos ang tagpong iyon pero pakiramdam ko ramdam ko parin ang titig ni ma'am sakin. Mapang usisa.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon, kumakain dahil vacant namin.

"Hoy Sev, bat di ka pa umoorder?" Tanong ni Ethan.

"May hinihintay ako." Sagot ko naman.

Kasama din namin ang apat na professors ngayon. As usual, katapat ko si ma'am.

Magtatanong pa sana si Ethan ng may umagaw sa atensyon namin.

"Hey babe, here's your food." Sabay abot niya sa pinabili ko. "Hi guys, Good morning Profs.!" Bati niya sa kasama ko sa table.

Excited kong binuksan ang pinabili ko sa kanya.

Sisig at pinya.

"Hoy Aqs ano yan? Penge." Usisa naman ni Gurang.

Pagbukas ko ay bigla akong natakam.

"Prof, wag mo hingian yan kung ayaw mo pati kamay mo makagat. Nakakainis na to, pinaghanap ba naman ako ng pinya na pula." Nakangusong reklamo niya at umupo sa tabi ko.

Laglag pangang nakatingin sakin ngayon ang mga taong nasa table kasama na ang tatlong professors na tahimik.

"Oh, bat ganyan reaskyon niyo? Di niyo ba alam kung anong meron kay Ria?" Tanong ni Joan. Ano bang pinagsasabe neto?

"Bakit ano bang meron sa kanya? Napapansin ko din ayaw niya akong katabi kase ambaho ko daw." Nakangusong sambit naman ni Xelly.

Eh ambaho naman talaga niya eh. Di ko gusto yung bago niyang pabango.

"Di mo sinabi?" Baling maman sakin ni Joan.

"Ano bang pinagsasabe mo jan? Hoy tngina mo Gurang sige kumuha ka puputulin ko yang kamay mo." Tanong ko kay Joan at pagbabanta ko kay Gurang na akmang kukuha ng sisig.

"She's pregnant." Pvtangina?

Halos lahat kaming nasa table ay nabilaukan dahil sa sinabi niya. Gago asan niya ba kinuha yang hinala na yan?

Agad naman akong inabutan ni Ma'am Alcantara ng tubig na ngayon ay may kung anong emosyon sa mata niya.

Sad. happy. And guilt?

Baka guni guni ko lang.

"Pvtangina Sev buntis ka?" Ivan.

"Ggo sino ama niyan bubugbugin ko." Allen.

"Tngina, masarap ba?" Ethan.

"Beh malaki?" Joy.

"Beh magaling?" Scarlet.

"Nakailang rounds kayo?" Xelly.

"Magkakapamangkin na ako?" Gurang.

"Really?" Ma'am Celine. Nakisali ah.

"Wow that's... Awesome." Ma'am Janella. Ggi anong awesome?

Lahat naman kami napatingin kay Ma'am Alcantara na hanggang ngayon tulala parin.

Sige mag isip ka.

Tataguan kita ng anak kala mo ah.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now