Chapter 20: Pregnant?

30.9K 767 366
                                    

Apat na linggo... Apat na linggo na ang lumipas simula nung nangyari samin ng gabing iyon.

Di nadin nasundan ang pag uusap namin ni Ma'am Alcantara nung nagstay siya sa condo ko nung gabing iyon.

Tapos nadin ang Intrams, wala naman masyadong ganap ang boring nga eh. Pasalamat nalang talaga ako at nanalo kami. Di ko na ikwekwento ang nangyare dahil boring lang.

Tatlong linggo nadin kaming nag iiwasan, astig diba? Pramis di masakit. Mine mine pang nalalaman, tsk.

Ano yon dalawa property niya? Galing ah.

Pati sa klase niya kahit anong gawing taas ko ng kamay di niya ako pinapansin, siya pa may ganang di mamansin ah? Matapos niyang papakin labi ko non? Tsk.

Ginusto kong iwasan siya pero God knows kung gaano kahirap sakin ang iwasan siya at di siya titigan.

Palagi ko na din silang nakikitang magkasama nung babaeng octopus.

Ginusto ko ang iwasan siya pero ansakit para sakin. Alam ko naman na may iba akong nararamdaman para sa kanya eh pero ako lang tong pumipigil dahil alam kong mali at masasaktan lang ako sa huli neto.

Bigyan niyo nga ako ng advice, tanga pa naman ako tulad ni Author.

Hays. Sobrang hirap para sakin nito.

Kasalukuyan siyang nagdidiscuss sa harap namin ngayon pero ang atensyon ko ay nasa bintana lang.

"Miss Vaugh."

Mukha akong broken dito sa music video tapos dapat umuulan para maganda diba?

"Miss Vaugh!"

Suggest kayo kanta guys tas bidyo bidyo natin noh? Kase broken ako kay ma'am, mapanakit professor niyo.

Nabalik ako sa ulirat ng may kung anong bagay ang tumama sa noo ko. Rinig ko ang tawanan ng klase. Mga hunghang.

Nabaling ang tingin ko sa propesor sa harap na sobrang sama ng tingin sakin kaya napalunok ako pero binigyan kolang siya ng malamig na tingin. Huh kala mo ah.

"I've been calling you many times but you're mind seems occupied by something na hindi naman kasali sa topic ko dito sa harap. Stand up, answer this." Tagis bagang niyang sabi. Easy peasy mare nakapag advance reading ako noh kala mo ah.

Himala at tinawag niya ako?

Tumayo nalang ako at tamad na pumunta sa harap para sagutan ang pinapasagot niya. Nang matapos kong sagutan ay inilapag ko sa table niya ang marker at bumalik sa upuan ko.

Nang makaupo ako ay kita ko ang pagtingin niya sakin at inirapan pako. May topak amp.

Natapos ang ilang oras na kaharap namin ang dragon–este si Ma'am ay sa wakas ay nagdismiss narin siya. Halos minu minuto ba naman ako irapan.

Nag ayos na kami ng gamit ni Xelly, pansin ko din ang pagiging tahimik niya netong mga nakaraang araw.

Papalabas na kami ng room ng magtanong siya kaya napahinto kami malapit sa table ni Ma'am na hanggang ngayon ay andon parin nakaupo.

"Hoy tubig sabay ka samin kumain ngayong lunch, di ka na nakakasabay samin palagi kang wala." Nagtatampong sabi ni Xelly habang nakanguso pa kaya tinampal ko nguso niya.

"Mukha kang pato. Tsaka bukas na, may kasabay ako ngayon." Sagot ko at nilagpasan siya, ramdam ko ang tingin ng isang dragon pero di ko tinuunan ng pansin.

"Hoy sino kasama mo? May kadate ka? May Jowa ka na, Tubig?" I just shrugged my shoulder. Bahala siya mag isip.

Tuluyan na akong lumabas ng room at naglalakad papunta sa parking lot.

Shh, Professor! [Unedited]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang