Chapter 36:

19.7K 621 116
                                    

Magdamag akong umiyak dahil sa nangyare kagabi.

B-bakit? Bakit sa dinami dami ng tao, bakit si Aquil pa? Bakit kambal ko pa?

K-kaya ba g-ganon trato sakin ni El??

A-alam niya k-kayang kakambal ko si Aquil? O sadyang inakala niya lang na ako SI Aquil.

Nakatulala lang ako sa ceiling ngayon, iniisip ang pwedeng mangyari. H-hindi ko naman pwedeng hindi sundin si Aquil dahil may mapapahamak.

She's a psychopath.

Kaya niyang pumatay kung gugustuhin niya. Lalo na kapag hindi niya nakuha gusto niya.

Naalala ko pa nung mga bata kami, gusto niya yung manika na laruan ng kalaro namin pero ayaw siyang pahiramin, nagtaka nalang kami dahil kinabukasan hindi na nagpakita yung bata samin, nabalitaan ko nalang na nasa hospital na't wala ng mga kuko sa kamay at paa. Nagkwento naman si Aquil na may tinanggalan daw siya ng kuko, kaya kinabahan ako ng malamang yung kalaro pala namin ang tinutukoy niya.

Pati din nung alaga naming aso, pinaka unang aso namin, pinatay niya. Kase ang ganda daw ng mata, gusto niyang idesign sa kwarto niya.

Tngina idedesign niya sa kwarto yon e iisa lang kami ng kwarto?

Hindi namin siya napigilan non, kahit na diring diri ako sa pinaggagawa niya non ay wala akong nagawa dahil kahit ako kaya niyang saktan.

FLASHBACK

Naglalaro kami ni Aquil ngayon dito sa garden ni Mama. Napansin kong biglang tumigil si Aquil sa paglalaro kaya nagtataka ko siyang tinitigan.

"Twin bakit?" Hindi siya sumagot at nakatingin lang sakin, I mean sa damit na suot ko.

Bagong bili nila mama at papa, Dora yung design (Walang pakealamanan sabi senyo fav ko Dora e.)

"Ate pwede akin nalang yang damit mo?" Inosenteng tanong niya sakin na agad kong ikinailing.

Ano siya siniswerte? Tsk.

"Ayoko nga, palagi mo nalang kinukuha yung mga damit ko, akin na muna to." Nakanguso kong saad na nagpadilim ng mukha niya.

Bigla akong kinabahan ng lumapit siya sa akin.

Kapwa kami titig sa mata ng isa't isa, nagulat ako ng bigla niya akong sakalin at sapilitang hinubad ang damit na suot ko.

"A-aray Aquil! B-bitaw m-masakit na." Hindi na ako halos makahinga dahil sa higpit ng hawak niya sa leeg ko.

Binitawan niya naman ako at agad na hinubad ang damit ko kaya wala na akong damit pang itaas.

Habol hininga ako habang hawak hawak ang leeg ko. Kita kong nakatingin siya sakin, sa mata ko.

"Ate I like your eyes." Tngina please. "idesign kaya natin yan sa kwarto natin, ate?"

Agad na akong tumakbo palayo sa kanya at pumasok sa kwarto namin.

END OF FLASHBACK

Mahirap kalabanin si Aquil, kaya dati hanggat maari ay ibinibigay namin kaagad kung anong gusto nito para wala ng masaktan. She even hurt mama and papa ng hindi niya nakuha ang gusto niya.

Ilang beses na namin siya sinubukang ipagamot pero wala talaga.

Gustuhin ko mang pagbigyan si Aquil pero iba na to eh. Mahal ko na to. Ibang usapan na to, hindi naman bagay si El na pwedeng ibigay kani kanino.

Shh, Professor! [Unedited]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz