Virgin no. 27

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hmm. Oo nga. Wala sa personality mo ang magka-crush.."

Kapal nito! Babae pa din naman ako no! Nagkaka-crush din!

"Ah, Polly.."

"Oh?"

"Nabasa mo na ba yung bagong issue ni SooHee?"

"Aray!" Medyo natalisod ako. Tae! Bakit ba kasi bigla-biglang nagsasalita ito! Alter-ego ko pa ang pinaguusapan namin! Parang tae.. Shet..

"Ayos ka lang ba?"

"O-oo.." Kinakabahang sabi ko. "Ano nga pala yung kay SooHee?"

"Ah. Kung nabasa mo na yung latest issue ni SooHee."

"Ahm.." Ano bang dapat sabihin?! Malamang Updated ako! Ako si SooHee eh. "A-ano. O-oo. B-bakit?"

"Ang ganda nung kuwento. Parang yung nangyari sa iyo sa sagada..."

Pwede bang lumubog na ako ngayon? As in NOW NA!

Pinaguusapan namin ngayon yung SARILI KO! Lahat pa man din ng isinusulat ko dun,, may halong KATOTOHANAN! Dahil based-on-experience yung sinusulat ko.

".. kaso., pagkakaiba lang sa gubat siya na-trapped at niligtas siya nung Bidang lalaki."

"O-oo nga! Haha!" Ang awkward amputek!

"Ang sweet nung bidang lalaki."

"A-ah.." Tumingin na lang ako sa dinadaanan ko.

"Gusto ko na talaga siyang makita."

"Aww.." Muli nanaman akong natapilok. Oo nga pala. Hinahanap niya si SooHee. Hinahanap niya ako. "A-ano ulit?" Tumingin ako dito. Napatingin din ito sa akin.

"Gusto ko na siyang makita. Para malaman ko na kung sino ang mas gusto ko sa inyong dalawa."

Nagiwas ako ng tingin. Tae talaga. Parang nanloloko na ako ng tao. Bakit ba naman kasi sa dinami-raming lalaki pa ang makukuha ko. Si Terrence pa na pinsan ni Mint!

".. pero.."

"Pero?"

"Ang hirap talaga niyang hanapin. Napaka-mysterious. Tulungan mo din kaya akong maghanap?"

"A-ano?" Tutulungan ko siyang hanapin ako? Tutulungan kong hanapin yung sarili ko? Teka! Ang gulo nun ah!

"Sabi ko, hanapin natin siya. What do you think?"

The Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon