Matapos niyang sabihin 'yon, sasagot na sana ako nang mapatingin kami pareho sa pagbukas ng gate. Lumapit sa amin si Destinee na malawak ang ngiti. Kumirot ang puso ko nang makita ang ayos ng buhok niya.

Gano'n ulit . . . katulad no'ng nakaraan. Naka-braid na naman sa kanan.

"Papa, aalis na kami. 'Wag kang mag-aalala, safe ako sa kan'ya. Ihahatid niya rin ako." Lumingon siya sa akin. "'Di ba?"

Tumango ako at ngumiti. "Hindi ko ho siya hahayaang masaktan, sir. Pangako 'yan."

Nagbuntonghininga na lang siya bago lumapit sa anak saka humalik sa pisngi. "Mag-iingat kayo."

Pagkatapos n'on, binuksan na ng papa niya ang pinto sa shotgun's seat saka pinapasok ang anak. Sumakay na rin ako sa driver's seat. Ibinaba ni Destinee ang bintana nang i-start ko ang engine saka kumaway sa papa niya. Tinanguan ako nito bago ako nagsimulang mag-drive.

Nagbuntonghininga si Destinee. "Ayaw ko sanang sabihin sa 'yo 'to, pero ayaw niya talaga akong payagan. Kahit noon pa, sinasabi niya na 'wag ako lumalapit sa 'yo."

Hindi na rin ako nagulat. Alam ko namang gagawin niya 'yon. Hindi ko lang inaasahan na sasabihin pa sa akin ni Destinee 'yon.

"A-Anong sinabi mo?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Eh 'di noong una, pumapayag ako kasi gano'n din naman. Iniiwasan mo ako. Pero patagal nang patagal, para kasing hindi ko maintindihan kung bakit. Wala ka namang ginagawang masama sa akin. Hindi mo naman ako niloloko, alam ko."

Napalunok ako kasabay ng paghigpit ng hawak sa steering wheel.

"Pero sabi niya, wala ka raw maidudulot na maganda sa akin. Baka raw masira ang pag-aaral ko—ang buhay ko—dahil sa 'yo." Tumawa siya. "Siyempre, doon ko na-realize na akala niya, boyfriend kita. So, pinaliwanag ko na magkaibigan lang tayo."

Tumango-tango ako habang nakikinig sa kwento niya, pilit na ngumingiti.

Magkaibigan lang . . . pero hanggang kailan? I'm sure I don't want to stay as a friend to her for a long time.

"Tapos, noong nagpaalam ako about sa paglabas natin na 'to, ayaw niya pa rin akong payagan. Pero pinagpilitan ko at sinabi na muntik na akong mawalan ng kaibigan . . . muntik ka nang mawala sa akin. This is the least thing I could do for you, I said. The last thing I want in life is to lose someone and I'll do everything to keep my people around me. In the end, wala naman siyang nagawa."

Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti. "They want your happiness no matter how protective they are to you."

She chuckled. "Oo. Mahal na mahal ako ni Papa." She sighed. "Mahal na mahal din naman ako ni Mama pero hindi ko magawang hindi i-compare. Mama's love for me is, what do you call it? May conditions. I need to do this, do that, be here and there. Whenever I fail, I always find disappointment in her. Papa never asked me anything, though."

Tumango-tango ako. "Maybe your father's love is unconditional?" I smiled. "Mother's love is unconditional too, I believe. Baka masyado lang naniniwala sa 'yo ang mama mo so she wanted the best for you . . . kasi alam niyang kaya mo."

Nagkibit-balikat siya bago nagbuntonghininga. "Well, nakakapagod din, to be honest." She laughed before looking at me. "Pero gagawin ko ang lahat para sa kan'ya."

I smiled before turning right, then we're already on the highway. "Mahal na mahal mo rin ang parents mo to do that."

Tumawa siya. "Hmm . . . alam mo yung feeling na parang . . . ang laki ng kasalanan ko sa kanila? I mean, they never told me things to make me feel like that. Parang may something lang sa puso ko na nagsisisi . . . hindi ko alam. Yung feeling na parang gusto kong bumawi sa kanila, lalo na kay Mama. Parang may parte sa pagkatao kong iniisip na . . . kailangang gawin ko 'to . . . kasi nandito pa ako. Kasi . . . buhay pa ako. Kasi . . . buhay ako."

Forgotten Seal Of PromisesOnde histórias criam vida. Descubra agora