Alam na rin ni Ate Gabriela ang tungkol dito sa pagbukod namin ni Damon at sinabing pabor naman siya at nang ma-practice na namin ni Damon ang parenting. Oh, gosh, parents na nga talaga kami ni Damon. I can feel the pressure and the overwhelming joy at the same time.

Nakarating kami sa bahay, hindi na ako nagulat nang pagpasok namin ay maayos ang paligid. At may mga pagkaing nakahanda sa mesa! Sinalubong kami ng dalawang kasambahay ni Damon, 'yong isa ay matanda na habang ang isa ay mga nasa 28 siguro. Hula ko ay mag-ina ito, magkamukha sila eh.

"Magandang hapon sa iyo, hija."

"Hello po, magandang hapon din po."

Ipinakilala ako ni Damon sa dalawa, nagpaalam muna si Damon na ilalagay ang mga gamit namin sa kwarto namin. Sinamahan siya ng batang maid na si Ate Karen. Nagpaiwan na ako rito sa ibaba dahil gusto kong gumala rito, kahit napuntahan ko naman na ang bahay niyang ito.

Kasama ko ang matandang maid na si Manang Helena, nagkukwentuhan kaming dalawa.

"Nako, hija. Ikaw pala ay buntis."

Napalingon ako sa kanya mula sa paggagala ng paningin ko, tumango ako sa kanya.

"Opo, 4 months na po.."

Wala pa man din akong 30 minutes ay magaan na ang pakikisama ko sa maid niyang ito. Kwento siya nang kwento at gusto kong makinig sa mga sinasabi niya. Mukhang matagal nang kasama ito ni Damon dito sa bahay niya?

Kaya napatanong ako.

"Mga ilang taon na po kayong naninilbihan dito kay Damon, Manang Helena?" Tanong ko rito.

"Dito sa bahay niya? O noong simula nang alagaan ko siya?"

Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. So, ibig sabihin ay bata pa lamang si Damon ay kasama niya na ito? Siya ang nag-alaga kay Damon?

"Inalagaan po ninyo si Damon?" Tanong ko at tumango siya.

"Oo, noon pang bata siya. Doon sa bahay nila dati, kasama ang Daddy at Mommy niya.. Hanggang sa lumaki siya, nandoon pa rin ako sa bahay nila, kasambahay at kasama ang anak ko. Kahit hindi na siya madalas umuwi roon nang magbinata na siya."

Akala ko, mga ilang taon lang nakasama ni Damon si Manang Helena. Pero mukhang buong buhay na niya kilala ang ale na ito. Kaya nagpakwento ako sa kanya tungkol kay Damon.

Mukhang kilala ni Manang Helena ang mga magulang ni Damon. Malamang! At hindi imposible na alam niya rin ang kwento ng pamilya ni Damon? Aish, hindi na kailangang isipin at alamin pa ang tungkol doon.

Nagtataka lamang ako..

Naupo na kami sa sofa rito sa sala, habang hinihintay na bumaba si Damon. Nauna nang bumaba ang anak ni Manag Helena na si Karen, at mamaya-maya ay susunod na rin dito sa baba si Damon.

"Hmm makulit po ba siya noong bata siya?" Tanong ko na ikinaaliw niya.

"Oo, napakakulit na bata. Laro nang laro, at pilyo dati. Naalala ko, tinakot itong si Karen ng pekeng insekto na laruan."

Natawa ako sa narinig ko at ganoon din ang mag-ina. Ilang saglit ay naririto na rin si Damon sa kinaroroonan namin. Tumabi siya sa akin dito sa sofa kaya napatayo na ang mag-ina.

"Handa na ang mga pagkain. Gutom na ba kayo, mga anak?"

Lumingon si Damon sa akin at tumango ako. Dahil oo, gutom na ako.

Magana akong kumain dahil sa sarap ng mga pagkaing nakahanda rito sa mesa. Kaming apat ang naririto sa mesa, si Manang Helena, ang anak niyang si Ate Karen, ako at si Damon.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now