Halos buong araw din ay wala akong ginawa kundi ang humilata.

"Nga pala, san punta mo?" tanong niya sa akin.

"Sayo sana, kaso andyan kana pala. Hmm. Gusto ko kasing kumain kaso di ko pa alam dito." nahihiya kong saad.

"tsk! Yun lang ba? Tara, may alam akong malapit na restaurant dito, masasarap dun at siguradong magugustuhan mo." paninigurado niyang sabi. Tumango ako at naglakad na kami. Nakwento sakin ni Drake habang nasa eroplano kami na natira din sila dito sa NY kaya medyo kabisado nadin niya ang mga lugar dito.

"Oh diba sabi ko sayo masasarap ang pagkain dito." nakangiti niyang saad. Umorder siya nang Clam Chowder Soup, Pierogies, Sesame Pancake at Lasagna, He also ordered Caramel Macchiato for our drinks.Pinagsaluhan namin iyon at masasabi kong masasarap nga ang mga pagkain dito, pero siyempre iba pa din yung lutong pagkain sa pilipinas.


"Dito sa New York, multi-cultural ang mga restaurants dito, well kahit sa ibang bansa ganun na din kahit sa pinas. Like, Japanese and Korean Cuisines gusto mo i-try natin? Meron diyan sa Bronx Country. Although medyo malayo siya dito sa Manhattan okay lang, may car naman na ako dito." tuloy-tuloy niyang sabi. Ako naman si tango lang at ngiti, gutom kasi ako kaya puro yun lang ang sagot ko haha.


Nag-enjoy naman ako sa unang araw ko dito sa New York, lahat nang nalalaman ni Drake about dito ay sinabi niya sakin. Well, di ko naman agad makakabisado pero sinabi niya na din sakin incase daw na gusto ko mamasyal mag-isa.


Umuwi din agad kami sa kanya-kanyang unit namin at nagpahinga ulit, niyaya ako ni Drake na pumunta sa New York Theme Park bukas.


Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko nang maalala ko yung maliit na envelope na iniabot sa akin nung flight attendant sakin sa Airport, may nagpapabigay daw nun kaya tinanggap ko. Binuklat ko iyon at parang unti-unting dinudurog yung puso ko dahil sa kalungkutan.

ETHAN's POV

"Lapitan mo na." saad ni Luke sa akin. Nandito kami ngayon sa Airport at nakita kong magkasama si Drake at Shaira. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko, masaya si Shaira kasama siya. Kahit masakit sa akin handa akong tuparin yung pangako ko sa kanya na hindi ko na sila guguluhin pa. Sapat na sakin yung nakikita siya nang mga mata ko na masaya, kaya lang hindi sa akin kundi sa iba.

"Sigurado ka bang maibibigay nang Pinsan mo yung sulat ko kay Shaira?" tanong ko kay Luke. Nagtanong kasi ako sa kanya kung paano ko maibibigay kay Shaira ang envelope na may sulat kamay ko nang hindi na nagpapakita sa kanya. Sinuggest niya sa aking may pinsan siyang Flight Attendant na pwedeng ipaabot yun sakto pang' naka duty siya mismo sa sasakyang eroplano nila Shaira.

"Oo sigurado yun. Wag ka mag-alala." aniya.

"Tara, uwi na tayo." pag-aaya ko kay Luke.

"Sure kabang di mo siya lalapitan?" tanong pa niya.

"No need. Nangako ako sa kanya at hindi ko sisirain yun. Panatag na ako na ligtas siya alam kong di siya papabayaan ni Drake. Kaya tara na."

Napakamot na lang si Luke sa batok niya at sinunod nalang ang sinabi ko, lumabas kami nang Airport at umuwi na.

"Inom na naman." sita sa akin nang kapatid kong si Kaira.

"Psh, what are you doing here?" walang gana kong tanong.

"I have your keys, kaya pag gusto kong pumunta dito, makakapunta ako." ani niya at ngumiti.

Nilaklak ko yung whisky na nasa shot glass ko, hanggang dito na lang ako ang magpakalasing at tanggapin ang katotohanang hindi na siya mapapasakin.

Kaira tapped my shoulder.

"I know everything Kuya," ani niya. Napatingin ako sa mata niya at nakikita ko doong parang maiiyak na siya.

"S-sino nagsabi sayo?" tanong ko.

"Kuya Luke and Kuya Oli,  but don't get mad at them dahil pinilit ko naman silang magsalita eh. Kuya, pwede ka namang magsabi saakin nang problema mo eh. Hindi mo na ba naaalala na tayo yung magkasangga sa lahat nang bagay? Na nagsasabihan tayo nang problema dati? We can back to normal kuya, just like before." napatahimik ako sa sinabi ni Kaira, totoong naglalabasan kami nang sama nang loob dati, at siya ang napagkwekwentuhan ko.

"Kahit ganun ang nangyari kuya, hindi ako galit kay Ate Shai. Dahil sinunod lang niya yung sinasabi nang puso niya." dagdag pa niya. Ngumiti ako sa kanya nang mapait. Yes, following your heart means hurting someone else's. At sa parteng yun ako yung nasaktan.

"Sila Mama at Papa? Nasaan?" pag-iiba ko.

"Nasa bahay sila, tulog si Mama nang umalis ako at si Papa naman ay nasa Office niya." sagot niya. Ininom ko yung huling shot nang whisky.

"Let's go, gusto ko silang makausap." ani ko, I already made my decision. Hindi ko dapat talikuran nalang basta ang pamilya ko, dapat sigurong gawin ko ang bagay na iyon. Kahit na masakit sa akin.

Tumango siya at lumabas na kami ng bahay.

Pagkadating namin doon ay naabutan namin sina Mama at Papa na nasa Garden at parang may pinag-uusapan silang importanteng bagay, palagay ko'y tungkol iyon sa pagpapakasal ko kay Venus. Lumapit ako at nagulat pa sila nang makita nila ako na nasa harap nila. Simula kasi nung huling pag-uusap namin ni Mama ay hindi nako nagpakita sa kanila.

Sinabi ko kay Kaira na pumasok muna sa loob at kailangang kami muna nila Mama ang mag-usap.

Humila ako nang isang bakanteng upuan at umupo, i clear my throat first bago ako nagsalita.

"I already made my decision." simula ko, nakatingin lang sila sa akin at inaantay ang susunod kong sasabihin.

"Payag na ako, magpapakasal na ako kay Venus."

A/N: Sorry sa Late Update :'( Salamat po sa patuloy na pag suporta, at sa pag-add nitong story sa reading list nyo' kung pwede lang imention ko kayo lahat kaso baka umabot tayo nang 50 page lol. XD

Super Salamat sa pag-vote dito sa SWAFR, @BLadyMaggie07 and @Jasmhinepeleno, @WildAmazona, @Kassandaralsaga, @Moonlight_Strawberry :* *Hugs&Kisses*

Kamsahamnida! <3

|Eightfinity~|

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara