Chapter 70

56 3 0
                                    

Kung nasaan ka man
Sana mapakinggan ang aking panalangin na ika'y mahagkan
Ng kahit saglit, ng ilang sandali
O saan kukuha ng lakas kung ikaw ang dahilan
Di ko maintindihan

'Di ko pa yata kayang hindi ka na makita paggising sa umaga
Ikaw, 'kaw lang naman ang hanap
'Kaw lang ang pinangarap noon
Paano na ngayon?
Paano tanggaping wala ka na?
Paano at saan magsisimula?

Saan nga ba ako magsisimula? 'Yan ang paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili.

'Di ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nasasaktan ako sa awiting ito pero bakit sa tuwing naaalala ko siya, ang kantang ito ang unang pumapasok sa aking isipan. Dahil ba tulad ng sinasabi roon ang siyang tunay na nararamdaman ng puso ko?

Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ako kakapit sa mga alaala naming dalawa?

Katulad ng mga nagdaang araw, muli kong pinalaya ang aking damdamin. Hinayaan kong dumaloy ang aking mga luha at damhin ang sakit na dulot ng pagkawala niya sa buhay ko. Siguro ay ganito talaga. Hahayaan ko munang masaktan ako hanggang sa dumating na ang oras na kakalma na ang puso ko.

Sa pagitan ng aking pagluha ay muli akong tumipa sa gitara at ipinagpatuloy ang buong pusong pag awit.

Kahit 'di pa yata kayang
Hindi ka na makita
Babangon sa umaga
Hindi ko pa man makuha
Mahahanap rin ang kalma
Tulad nung nandito ka pa
Hindi na pipigilan ang luha
Sa bawat oras na maisip ka
Hindi mawawalan ng pag asa
Sa pagitan ng wakas at ng simula

Dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong gitara. Napasubsob ako sa aking mga kamay at doon ay umiyak nang umiyak.

Ito ba talaga ang gusto ko? Ang mawala siya sa buhay ko? Tama nga ba ang desisyon kong palayuin siya mula sa akin?

Ang gulo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko siya pero hindi no'n napawi ang galit na dulot ng sakit na ginawa niya sa akin.

Napatigil ako sa pag hagulgol nang maramdaman kong may umupo sa aking tabi. Nag angat ako ng paningin at nag aalalang mukha ni Tatay ang aking nakita.

"Tatay..." humihikbing sambit ko.

Kinabig niya ako palapit sa kanya at idinantay ko naman ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Magke-kwento ka na ba o gusto mong hulaan ko na lang?"

"Hindi pa rin po ako makausad, Tay..."

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" balik tanong niya sa akin.

Napakunot noo ako at hindi agad nakasagot. Pilit kong kinakapa sa puso ko ang kasagutan sa tanong ni Tatay.

"Alam mo anak, minsan iba ang sinasabi ng isip natin kaysa sa dinidikta ng ating puso."

"Ano pong ibig ninyong sabihin, Tay?"

"Alam mo anak, palagi mong sinasabi na ayaw mo nang tanggaping muli sa buhay mo si Marco. Ayaw mo ring napapag usapan siya kapag nakaharap ka. Kapag oras ng tawag niya para kumustahin si Rhycka, pinapasa mo din sa amin ni Nanay mo. Talagang matigas ka sa pagsasabi na ayaw mo na siyang makita. Pero alam mo ba na taliwas sa mga sinasabi mo ang nakikita namin sa mga ikinikilos mo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now