Chapter 21

63 15 9
                                    

I' m here at the hotel at kakatapos lang ng 1st set namin nang may lumapit na waiter sa akin.

"Miss Anicka, pwede ka daw po bang ma-invite sa may table #10?" Magalang na tanong nito sa akin sabay turo sa pwesto ng mga guest na nag iimbita sa akin.

Agad ko namang sinundan ng paningin ko ang tinuturo niya at nakita ko roon si Landon at may kasamang isang may edad na lalake.

Binaling ko ulit ang paningin ko sa waiter. "Okay, pakisabi susunod na ako."

Agad namang tumalima ito at ako naman ay nagderecho sa may restroom. Inayos ko ang sarili ko at ni-retouch ko ang aking make up. Nang matapos ako ay lumabas na din ako agad at nakangiting lumapit sa table nila Landon.

"Hi Anicka!" Nakangiting bati ni Landon nang makalapit ako sa kanila.

"Hello!" Bati ko sa kanila.

Tumayo naman si Landon at agad akong ipinaghila ng upuan at inalalayan akong makaupo.

"By the way Anicka, this is Mr. Robert Sy, a very good friend of mine and one of our investors in LEM Builders."

"Nice to meet you Anicka!" Inilahad niya ang kamay niya sa akin para makipag shake hands at inabot ko naman iyon.

"Nice to meet you too, Sir Robert!"

"By the way, Landon invited me here to watch your performance."

"Oh.." I looked at Landon and he just shrugged his shoulders.

"He said that I should watch your band's performance 'cause he recommended you to me. I am needing a live band to perform for my daughter's eighteenth birthday next week."

I smiled at him. Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya.

"So.. I guess I'm convinced. Your performance was great! Will you perform at my daughter's party?

"Our pleasure, Sir!" Nakangiting sagot ko sa kanya. "Thank you Landon sa recommendation." Baling ko kay Landon.

"No problem, malakas ka sa'min eh!" Nakangiting sagot niya.

"Call my secretary tomorrow for the details of the party." ani Mr. Sy at iniabot sa akin ang isang calling card.

Tumayo na ako at nakipag kamay ulit ako kay Mr. Sy. "Thank you so much Sir and nice to meet you again." Nakangiting pasasalamat ko bago ako tumalikod sa kanila at tumuloy na ako sa table namin ng mga ka bandmates ko.

----

Kasalukuyan akong nagluluto ng kakainin ko for lunch nang mag ring ang phone ko. Hmm.. mukhang alam ko na kung sino ang tatawag sa akin ng ganitong oras.

Agad kong kinuha ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at sinagot ko ang tawag.

[Babe!]

"Hello babe!" Masayang bati ko sa kabilang linya.

[Are you busy? Ang tagal mong sumagot ng phone.] Malungkot na sabi ni Marco.

"Huh? Tampo agad babe? Nagluluto kasi ako."

[Ano niluluto mo?]

"Buttered shrimp!"

[Wow! Favorite ko 'yan. Panigurado masarap yan.]

"Ay syempre luto ko to eh! Masarap talaga to!" Napangiti ako habang sinasabi ko 'yun.

[Pero babe.. mas masarap ka dyan..]

Bigla namang nag init ang mga pisngi ko sa sinabi niya.

"Ikaw talaga.." nahihiyang sabi ko.

[Totoo naman ah.. naalala ko tuloy dati.. ulitin kaya natin 'yun babe..] tila nang aakit na sabi niya sa akin.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now