Chapter 57

76 5 10
                                    

Venice POV

It's 9:30 in the morning at hindi pa rin dumarating si Anicka. We are late for our appointment with the Marketing Manager of a famous furniture company.

They don't usually open their show room on Sundays but they favored me out of Jed's referral. Doon siya kumuha ng lahat ng furnitures sa kanyang bar. He was avail to purchase them at a big discount and he enjoyed good terms of payment as well.

I checked my phone to see the confirmation of their stocks which I ordered last night. Kailangang makita din ni Anicka ang mga muwebles. She will be my interior designer for my cafe. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa pagbili ng mga gamit. She got sharp eyes for furnitures like these. Alam niya kung alin ang matibay at nababagay sa disenyo ng lugar.

Habang hinihintay siya ay nagcheck na rin ako ng aking Facebook account. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang post ng loka!

Anicka Reese Agustin- feeling loved 🥰

My hand feels heavier today... I wonder why.

❤️200                           300 Comments

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

❤️200                           300 Comments

"O..M..G.. nakakaloka!"

I'm so excited to hear the story behind her post kaya naman agad ko siyang tinawagan dahil hindi na ako makakapaghintay pa.

[Good morning, beshy!] Masayang pagbati niya sa kabilang linya.

"Aba, aba, aba! Magta-tanghali na po! Pero alam ko, kung nasaan ka man ngayon ay nage-enjoy ka.."

[Hmm.. hindi naman masyado.] Dinig ko pa ang mahinang hagikhik niya.

"Alam mo, ang landi mo!"

Natawa naman siya.

"Hmmm.. nakita ko.." Tukso ko sa kanya.

[Ssshhhh... Secret lang 'yun.]

"Loka loka! May secret bang naka post? Anyway beshy, I'm so happy for you. Pero mamaya mo na i-kwento dahil late na tayo. May kausap akong furniture company. They're expecting us at 9am nga eh."

[Naku, late na nga! Pasensya na.. eh hindi ko naman alam. Kahit naman alam ko eh hindi rin ako makakarating dahil na-stranded kami kagabi.]

"Okay, I understand. I'll make a call na lang sa manager na after lunch tayo makakarating."

[Don't worry, malapit na kami beshy.]

"Malapit na kayong ano? Ikasal? Uunahan mo pa ako ah!"

Natawa naman siya, [Eh 'di magpakasal na rin kayo ni Ethan!] At talagang tinukso pa niya ako sa lalaking 'yun!

"Ano? 'Yung hambog na 'yun? Bayag niya!"

Narinig ko naman na nagtawanan sila ni Marco.

[Yung bunganga mo loka loka! Naka loud speaker ako at naririnig ka ng babe ko.] Bigla naman akong nahiya. Sira ulo talaga 'tong babae na to.. narinig tuloy ni Marco 'yung sinabi ko. Baka mamaya isumbong ako kay Ethan.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now