Chapter 68

49 3 0
                                    

Mabilis ang naging recovery ni Rhycka magmula nang masalinan siya ng dugo. Nag normal na ang platelet count niya at hindi na rin siya nilagnat. Nawala na ang mga rashes niya sa katawan at bumalik na ang dating kulay ng kanyang balat. Naging masigla na rin ang kanyang pangangatawan at ganado na rin siyang kumain. Sabi nga ng doctor, maaari na siyang i-discharge ngayong araw.

"Oh tignan mo, mukhang gustong gusto niya ang apple carrot puree na ginawa ko." Tuwang sambit ni Nanay sa akin pagkapasok ko sa loob ng kwarto. Hawak niya si Rhycka habang pinapakain ito ni Marco.

Galing ako sa bahay dahil iniuwi ko na ang ibang mga gamit ni Rhycka. Umalis ako kanina nang dumating sina Nanay at Tatay dito sa ospital.

Sa totoo lang, ginawa ko lang na dahilan 'yon para makawala ako sa presensya ni Marco. Hindi na kasi siya umuwi sa Manila magmula no'ng dumating siya. Naging hands on siya sa pag aalaga kay Rhycka mula sa pagpapakain hanggang sa pagpapalit ng diapers. Pinagbigyan ko na lang siya dahil sa pakiusap niya at sa pakiusap na din nina Nanay sa akin. Hayaan ko na lang daw dahil bumabawi si Marco sa kanyang anak.

Minsan ay gusto kong maawa sa kanya dahil hindi siya nakakatulog ng maayos. Bukod kasi sa pag aalaga sa bata, nagta-trabaho din siya at the same time.

Sa halos isang linggo naming pagsasama dito sa ospital ay hindi ko siya kinausap maliban na lang kung importante. Inabala ko rin ang sarili ko sa pagta-trabaho. Madami kasi akong tanggap na projects lalo na at sa akin inire-rekomenda ni AJ ang mga kakilala niyang naghahanap ng graphic artist at video editor.

Napadako ang tingin ko kay Marco na nakangiting nakatunghay sa akin. Napairap na lang ako. Ano bang akala niya sa akin? Marupok na katulad ng nanay at tatay ko? Na kaunting bait baitan lang ay lalambot na? Hindi niya ako madadaan sa pangiti ngiti. Hindi no'n mabubura ang sakit na dinulot niya sa akin. Sariwa pa sa puso't isipan ko ang mga nangyari.

Mukha namang balewala sa kanya ang pag irap ko dahil kinausap pa rin niya ako. "Ahh Anicka, ise-settle ko lang 'yung bill ni Rhycka tapos pwede na natin siyang iuwi."

Seryosong tumango lamang ako. Sumabay naman si Tatay sa kanya sa paglabas ng kwarto. Ako naman ay kinuha si Rhycka mula kay Nanay para linisan ito at bihisan.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong ni Nanay habang nanonood sa pag aasikaso ko kay Rhycka.

Napangiti naman ako. "Opo naman, Nay. Masaya po ako dahil magaling na si Rhycka at sa wakas ay makakalabas na kami dito sa ospital."

"Hindi iyon.. 'yung tungkol kay Marco."

Bigla ay napakunot ang noo ko. "What about Marco po?"

"Parang iba ang pakikitungo mo sa kanya."

Tumingin ako sa mukha ni Nanay at nakita kong seryoso ang kanyang mukha. Alam ko na kung ano ang tinutumbok niya. 'Yun ay ang malamig na pakikitungo ko kay Marco. Gano'n pa man ay pinili kong magmaang maangan.

"Ano pong ibig n'yong sabihin?"

"Anak, kilala kita. Sa paraan ng pagtrato mo kay Marco, alam kong galit ka pa rin sa kanya. Hindi mo pa rin ba siya napapatawad? Tandaan mo, siya pa rin ang ama ng anak mo."

"Napatawad, Nay? Gano'n po ba 'yon kadali? Nakalimutan n'yo na po ba kung ano ang ginawa ng lalaking 'yon sa akin? Pinagtabuyan niya ako at halos itrato nila akong basahan ni Tarah. Halos mamalimos ako ng pagtingin sa kanya. Tapos ngayon, ano? Aarte siya na parang walang nangyari? At saka Nay, nandito lang naman po siya para kay Rhycka. Hindi naman po siguro importante kung ano ang nararamdaman ko sa kanya."

Nakaramdam ako ng kirot sa mga huling katagang sinabi ko. Kasi kahit kaunti, kahit galit ako sa kanya, umaasa pa rin ang puso ko na sana maging kami pa rin. Kasi may anak kami. Kasi mahal ko pa rin siya. Naiinis ako sa sarili ko kapag naiisip ko 'yun. Tangina naman kasi! Alam ko na ngang hindi na niya ako mahal. May iba na siya. Dapat kong isaksak sa kukote ko na si Rhycka lang ang dahilan kung bakit siya nandito. Kailangan kong patigasin ang sarili ko at isalba ang kaunting pride na natitira sa akin.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now