Chapter 8: Teasing

78 24 2
                                    

"Beshy, hintayin lang natin si Ethan. Susunduin raw kasi niya tayo." ani Venice nang makalabas ako ng kwarto. "Parating na raw siya in ten minutes."

Matipid lang akong tumango at pagkatapos ay nagtungo ako sa kitchen upang uminom ng tubig.

Sumunod naman siya at tumayo sa tabi ko, "Beshy, huwag ka nang malungkot. Maglibang libang ka para naman mawala-wala sa isipan mo 'yang kalandian ng asawa mo."

"Bahala siya sa buhay niya. Gusto niya, isiksik ko pa siya sa singit ng haponesang 'yon."

Natawa nang malakas si Venice. "Bakit naman sa singit, beshy? Eh 'di nag-enjoy pa ang asawa mo roon? Sa kilikili na lang kaya para amoy asim?"

Nahampas ko siya sa braso at nahawa na rin sa pagtawa. Na-imagine ko kasi ang sinabi niya.

"Aray ko naman! Tignan mo, namula tuloy..." Pinakita pa niya ang braso niyang medyo namula nga.

"Sorry. Ikaw kasi kung anu-ano sinasabi mo eh." Hinimas himas ko naman iyon.

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hayan, nag message na si Ethan."

Napansin kong ngiting-ngiti ang gaga at animo'y kinikilig pa.

Wala na... tinamaan na talaga ang isang ito.

"Tara na, nasa lobby na raw siya. Sabi ko kasi doon niya tayo hintayin."

Kinuha ko na sa enter table ang aking black pouch at sumunod na kay Venice sa paglabas ng unit.

Nang makababa nga kami ay sinalubong agad kami ni Ethan na pormadong pormado ang dating. Gwapong gwapo ito sa suot na black pants at lavender long sleeves polo na bukas nang bahagya sa bandang dibdib at nakatupi sa may bandang siko. Nakasuot rin ito ng Rayban na lalong nagpalakas ng dating niya.

Nang tumingin ako kay Venice ay napangiwi ako  Paano ba naman, mistula itong dalagita na unang beses pa lang nakakita ng lalakeng gwapo. Daig pa ang virgin sa pagka-kilig.

"Huy, tara na." Siniko ko siya para naman mahimasmasan. Baka mamaya eh mahipan pa ng hangin at habambuhay nang mag 'beautiful eyes'.

Sa backseat ng sasakyan ako naupo dahil ang dalawa ang magkatabi sa unahan. Gusto kong maumay sa ka-corny-han ng dalawa habang nagpapalitan ng mga cheesy lines. Ewan ko ba... bitter lang siguro ako. Ganito siguro talaga kapag walang 'bebe'.

Hindi ko tuloy maiwasan ang maging malungkot. Kasi naman, magkalayo na nga kaming mag-asawa, tapos nagkakaroon pa kami ng problema.

Buti pa noon... magkagalit man kami ni Jed, naaayos naman kasi magkasama kami. Nadadaan namin agad sa usapan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Haist, huwag ko na nga munang isipin 'yon. Isasantabi ko na lang muna at mag-e-enjoy muna ako.

Bahala si Jed sa buhay niya. Matanda na siya at alam na niya ang tama at mali.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa building kung saan naroon ang office nila Ethan. Three-storey iyon at inookupa nila ang second at third floors.

Masaya akong natupad na ang pangarap nilang  magkakaibigan. Palagi kong naririnig sa kanila noon na gusto nilang magkaroon ng sariling kompanya.

"Anicka, bakit ang tahimik mo 'ata?"  tanong ni Ethan nang makasakay kami sa elevator.

Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Venice. "Ay naku, namomroblema 'yan sa asawa."

Pinandilatan ko naman siya nang wala sa oras. Kailan pa naging madaldal ang babaeng 'to?

"Magkakaayos rin kayo. 'Wag mo na munang isipin 'yon." Si Ethan.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now