Chapter 43

46 8 4
                                    

Anicka POV

Saktong kakalabas ko lamang ng banyo nang may marinig akong mga katok sa pintuan ng aking kwarto. Dinig ko agad ang boses ni Nanay na tinatawag ang pangalan ko kaya naman agad ko iyong binuksan.

"Anak, bumaba ka na sa kumedor at kakain na tayo ng agahan." Bungad ni Nanay sa akin.

"Opo Nay, susunod na po ako."

"Sige at magbihis ka na at baka ma-late tayo sa appointment mo sa OB Gyne."

Tumango naman ako, "Opo Nay."

Nang makalabas si Nanay ay nagsimula na akong mag ayos at  pumili ng damit na susuotin. Ini-scan ko ang closet ko at kukuha na sana ng dress nang maalala ko 'yung parcel kong nai-deliver kahapon from Lazada. Agad ko iyong kinuha at binuksan, inilabas ko mula roon ang isang denim maternity shorts. Sinuot ko iyon at tinernuhan ng yellow maternity t-shirt. I also wore my white Havaianas espadrille shoes.

I blow dried my hair and just let it loose. I applied Naturafactor foundation all over my face and neck and topped it with a loose powder. I also applied my favorite colored lip balm on my lips. Its the cold months so I usually put this on to prevent my lips from drying up.

Napangiti ako nang pagmasdan ko ang aking repleksyon sa life size mirror. Feeling ko ay nagmukha akong teenager dahil sa suot ko. This is my usual get up when I was still in high school. Pwera na lamang dito sa lumalaki ko nang tyan.. Agad akong napahawak dito at napangiti nang maramdaman ko ang munting pagsipa ng anak ko.

"I love you baby.." I whispered while caressing my tummy.

Pagbaba ko sa komedor ay nakita kong nakaupo na doon sina Nanay at Tatay.

"Kita mo nga naman darling, ang ganda talaga ng anak natin!" Bungad ni Tatay sa akin. "Kaso anak bakit naman ganyan ang suot mo? Hindi kaya maipit ang magiging apo namin nyan?"

Natawa naman ako, "Tay naman.. maternity shorts and shirt naman po itong suot ko. Ito na po ang uso ngayon." Sagot ko habang umuupo sa tabi ni Nanay.

"Hayaan mo na 'yang Tatay mo, matanda na kasi kaya hindi na 'in'." Bulong naman ni Nanay habang pinaglalagay ako ng pagkain sa pinggan ko.

"Narinig kita Rosiella! Aba, kalabaw lang ang tumatanda baka akala mo." Sabay naman kaming naghagikgikan ni Nanay.

"Pero Nay aminin n'yo.. hindi pa mukhang senior citizen si Tatay.. Kita n'yo nga po at malakas pa din ang dating!" Tumingin ako kay Tatay, "Di ba po, Tay?"

"Aba oo naman! Nakow anak kung alam mo lang kung gaano ka-patay na patay sa akin ang Nanay mo noong araw."

"Magtigil ka nga Nicanor! Umaandar nanaman 'yang kayabangan mo." Saway ni Nanay na umirap pa kay Tatay.

Napailing iling na lang ako habang tumatawa. Ganyan talaga silang dalawa, palaging nag aasaran pero bilib ako kay Tatay sa pagta-tyaga sa kasungitan ni Nanay. Sabagay 'baby' niya kasi 'yan eh.. May-December love affair kasi ang peg nila. 33 years old si Tatay habang 18 years old naman si Nanay nang ipanganak ako. Sobrang hanga ako sa kanila lalo na kay Nanay dahil simula't sapul ay si Tatay lang ang minahal niya.

"Pwede ka ba talagang magdrive, anak?" Tanong ni Nanay nang makasakay na kami sa kotse.

Tumingin ako sa kanya habang ini-start ang makina, "Opo naman Nay, saka automatic naman 'to kaya hindi ako mape-pwersa."

"Oh sige basta dahan dahan lang ha.."

Nang makarating kami sa hospital ay umupo muna kami sa waiting area sa tapat ng private clinic ng aking OB Gyne. Medyo napaaga kami sa schedule kaya wala pa siya.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now