Chapter 58

68 6 0
                                    

Anicka's POV

Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Tatay na nakaabang sa labas. Nakita ko rin na nakabukas na ang aming gate, marahil ay binuksan na niya talaga iyon para tuloy tuloy na ako sa loob pagkadating ko. I find it so caring for Tatay to anticipate my arrival.

"Oh kamusta ang byahe, anak? Kumain ka na ba?" Tanong agad niya pagkababa ko ng sasakyan.

Nagmano naman ako bago sumagot, "Ayos naman po Tay, hindi naman po ako na-traffic. Nag stop over po ako kanina sa Pangasinan at doon po ako nag lunch kanina. Pero nagugutom na po ulit ako."

"Eh tamang tama, nagluto ako ng turon. Halika at sabay na tayong magmeryenda."

Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Naabutan namin si Nanay na nanonood ng KDrama. Magkasama sila ni Rhycka sa loob ng playpen.

"Kamusta ang baby kong mahal?" Napawi ang aking pagod nang ngumiti si Rhycka pagkarinig sa boses ko.

Nagmano naman ako kay Nanay. Napansin kong napatingin siya sa singsing na suot ko kaya naman agad kong binawi ang kamay ko. Hindi din naman siya nagsalita tungkol doon.

"Kakagising lang niyang anak mo kaya 'yan, napaka energetic at gapang nang gapang. Oh sabay na kayong magmeryenda ng Tatay mo at ako nama'y dito lang kay Rhycka."

"Sige po Nay."

Nagpunta na kami ni Tatay sa dining room at sabay na nagmeryenda. Halos bumagsak na ang mga mata ko habang kumakain. Siguro ay dahil sobra ang puyat at pagod ko kahapon.

"Mabuti pa anak ay tapusin mo na 'yang kinakain mo at magpahinga ka na muna. Mukhang napagod ka sa haba ng byahe."

"Siguro nga po, Tay.. kayo na po muna ang bahala kay Rhycka. Parang mahihimatay na po ako sa antok eh."

Tumango naman si Tatay at nauna na akong lumabas ng dining. Pag akyat sa kwarto ay napagpasyahan kong maligo muna bago matulog. Feeling ko kasi nanlalagkit ako dahil sa haba ng byahe.

Madilim na nang ako ay magising. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng side table.

"Alas siyete na pala." Sambit ko nang makita ang oras.

Napangiti ako nang makita ang mga messages ng babe ko. Asus, miss na daw agad niya ako! Agad naman akong nag reply sa message niya.

Anicka Reese Agustin: Just woke up babe. Miss na din kita agad. Magdi dinner lang po ako. I love you!

---

"Ang sarap naman po ng niluto niyong chopsuey, Nay! Busog na busog po ako." Sambit ko habang nakahawak ako sa aking tyan. Feeling ko tuloy ay sumikip ang suot kong shorts.

Kakatapos lang namin kumain ng dinner at talaga nga namang napasabak ako sa pagkain dahil the best talaga ang luto ni Nanay! Ang sarap eh.

"Aba syempre naman! Ang pagluluto ang isa sa mga pinagtuunan ko ng oras nang sumama ako sa Tatay mo. Napakahalaga na marunong ang babae sa pagluluto para sa asawa. Oh ikaw, hindi ka masyadong nagluluto.. tignan mo ang nangyari sa inyo ni Jed.." Sagot naman ni Nanay. 

Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng hot water at umupo ulit siya sa kanyang pwesto. Pinapainom ako nito ni Nanay every after meal. Maganda daw kasi ito sa digestion.

"Nay, hindi naman po dahil sa pagluluto kaya kami nagkahiwalay. Wala naman pong kinalaman 'yun dun."

"There's a saying that "a way to a man's heart is through his stomach". Oh kayo ni Jed, kumakain lang kayo sa hotel 'di ba? Tapos tulog kayo kapag umaga. Pagkagising at walang luto, o-order lang ng take out 'di ba? You think naa-appreciate ng lalake iyon?"

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now