Chapter 56

79 5 6
                                    

Vanna POV

"Ethan, sigurado ka ba na dito ang kila Jade?" Tanong ko kay Ethan nang ihinto niya ang sasakyan dito sa gilid ng malaking highway sa Navotas.

Napatingin ako sa maliliit at dikit dikit na bahayan. Dito na pala lumipat sila Jade nang ma-ibenta niya ang kanyang condo unit matapos ang kasal nila ni Caleb.

"Oo. Alam ko dito ang NBBS Proper eh. Taga dito kaya 'yung classmate nating si Conrad. 'Yung may crush sa'yo nung high school, remember?" Sabay ngisi ni Ethan sa akin.

Napangiti naman ako nang maalala ko ang lalaki, "Oo, I remember him! 'Yung maliit na mahilig mag drawing ng anime? Palagi akong pinapahiram ng Manga books dati nun eh kapag walang teacher."

"Oo naku ang lakas ng dating nun huh!" Si Joyce na nasa passenger seat.

Napakunot noo naman ako, "Anong malakas ang dating?"

"Ang lakas ng dating ng kilikili. May kurot eh!" Singit ng katabi kong si Anicka at nag duet pa sila sa pagtawa ni Joyce.

"Hoy kayo d'yan huh grabe kayo! Hindi n'yo ba alam na siya ang owner ng Conrad Enterprises?" Sinaway naman kami ni Ethan pero 'wag ka, tumatawa din siya.

"Huh? Talaga? Paano nangyari 'yun?" Si Joyce na mukhang gulat na gulat.

"Anong paano? Sobrang galing kaya nun sa graphic design and animation. Siya nga ang gumawa ng website ng LEM at nag design ng posters and billboards namin eh. Isa sa mga naging project namin 'yung building nila." Pagmamalaki naman ni Ethan.

"Naku, sayang! Dapat pala jinowa ko." Nagkunwari akong nanghihinayang at nagkatawanan kaming apat.

"Pero teka may problema tayo, hindi ko makontak si Jade. Naka off ang cellphone eh. Pakisundo n'yo na lang sa looban at ipagtanong n'yo. Hindi kasi ako pwedeng bumaba dito."

Naisip kong mahirap nga kung iiwan ang sasakyan niya dito sa gilid ng highway bukod sa walang ma-parkingan, baka ma-tow pa ng MMDA kapag natyempuhan.

Kaya naman bumaba kami ng sasakyan nina Anicka at Joyce. Nagtanong kami sa maliit na tindahan na una naming nadaanan.

"Ate, alam n'yo po ba 'yung number 85 Sitio Pulang Bato?" Tanong ko sa babaeng bantay ng tindahan.

"Lahat ng kabahayan dito eh number 85. Sino ba hinahanap n'yo?"

"Eh 'yung bahay po nina Caleb Villanueva." Sagot naman ni Anicka.

"Ahh 'yung anak ba ni Aling Maritess na kubrador ng jueteng? 'Yung mestiso ba na bagong kasal?"

"Ahh opo.. 'yun nga po." Si Joyce.

Lumabas mula sa tindahan ang babae at itinuro ang maliit na eskinita.

"Oh ganito, pumasok kayo sa eskinita na 'yan. Pagdating sa dulo, kanan tapos kaliwa. Mayroon doong kahoy na tulay, tumawid kayo doon. Mayroon doong hagdan na bato na mayroong poso. Kapag may nakita kayong maliit na tindahan, sa kanila 'yun."

Tango naman kami nang tango nina Anicka na para bang gets na gets namin ang instruction ng babae.

"Salamat po Ate."

"Natandaan n'yo ba?" Tanong ko sa dalawa.

Napangiwi si Joyce, "Hindi eh."

"Eh basta bahala na!" Hinila na kami ni Anicka papasok sa eskinita.

Naglakad na nga kami at sinunod ang instruction ng babae. Ang dami palang tao dito. Nagkalat din ang mga batang naglalaro sa daanan.

"Oh 'yun na yata 'yung kahoy na tulay oh." Turo ni Joyce sa makipot na tulay na dadaanan namin.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now