Chapter 4: Unexpectedly

117 35 6
                                    

"Beshyyy!"

Malakas na tili ni Venice ang agad na bumungad sa akin sa pagpasok ko pa lamang sa entrance ng disco bar. Awtomatikong napadako tuloy ang mga mata ko sa bar counter kung saan siya naka-pwesto.

"Wagas ka talaga kung maka-tili eh, no? Akala mo naman isandaang taon tayong hindi nagkita." litanya ko habang papalapit sa kanya. "Anyway, happy birthday beshy ko!" bati ko habang nakikipag-beso sa kanya.

Mabuti na lang at hindi ako nagsuot ng dress or mini skirt ngayon. Alam ko naman kasing sa bar palagi pumu-pwesto ang babaitang ito kaya naman jumpsuit romper ang napili kong isuot ngayon. Iwas-boso na, comfortable pa akong gumalaw galaw.

"Hilig mo talagang umupo sa ganito... palibhasa ay matangkad ka." simpleng panenermon ko nang mahirapan akong umupo sa mataas na bar stool.

Napahagikhik naman siya habang tinutulungan akong makaupo. "Bakit naman kasi maliit ang beshy ko na 'yan?" pang-aasar pa niya.

Sa halip na sumagot ay isang matalim na irap ang pinukol ko sa kanya na naging dahilan ng lalo pa niyang pang-aasar. Hindi pa siya nasiyahan, sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.

"Tumigil ka nga r'yan." mahinang saway ko bago ko binalingan ang menu na inabot ng isang waiter.

Nang tinigilan na niya ako ay isa-isa kong binasa ang laman ng menu upang pumili na ng makakain at maiinom namin. Ngunit hindi pa nakaka-isang minuto ay heto na naman siya at kinakalabit na naman ako sa braso.

"Bakit ba?" tanong ko ngunit hindi nag abalang tumingin sa kanya.

"Eh kasi naman beshy..." Nilapit pa niya nang bahagya ang mukha niya sa akin. "Tignan mo 'yung bartender... jusko ang gwapo! Parang nilalaglag niya 'yung panty ko!"

Awtomatikong nanlaki ang mga mata dahil sa tinuran niya.

"Alam mo, ang landi mo. Lasing ka na ba? Lakas na ng tama mo, ah. Lagot ka kay Luke." tukoy ko sa manliligaw niyang Kano.

Bigla namang tumawa nang malakas ang loka. "Hayaan mo nga siya. Wala naman siya dito eh. Saka 'di ko naman siya boyfriend..." umirap pa siya matapos magsalita.

"Asus! Tama na nga 'yang kaartehan mo. Mag order na tayo." suggest ko nang mapansing wala nang lamang alak ang tangan niyang kopita.

"Mabuti pa nga." sagot niya bago bumaling sa bartender na nasa aming harapan. "Pogi, bigyan mo nga ako ng Screaming Orgasm."

Napangiwi ako at parang gusto kong batukan ang babaeng katabi ko nang ilabas pa niya ang kanyang dila matapos umorder sa bartender. Lalo pa akong naloka nang kindatan naman ng lalaki ang kaibigan ko at pasimpleng inilabas rin nito ang kanyang dila at binasa ang kanyang labi.

What the hell?

"Ahh Kuya, margarita please." agad na singit ko upang putulin ang pasimpleng paglalandian ng dalawa. Mahirap na at baka kung saan pa sila mapunta ng kaibigan ko.

Hindi ko inaalisan ng tingin ang bartender habang mini-mix ang mga orders namin. Nang matapos siya ay una niyang inilapag ang drinks ko bago iniabot ang kay Venice. Nahuli ko pa ang bahagyang paghaplos niya sa kamay ng kaibigan ko.

Ang gaga naman, heto at parang bulateng inasinan sa pagkakilig.

Agad kong tinawag ang paparating na waiter upang magpa assist dahil lilipat kami sa ibang table.

"Tara na, beshy." Kalabit ko sa kanya nang makababa ako sa kinauupuan ko.

"Bakit naman ang KJ ng beshy ko na 'yan? Nag-eenjoy lang ang tao... birthday ko naman, 'di ba?" nakangusong reklamo niya.

Somewhere Down The Road (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon