Chapter 41

51 11 1
                                    

Marco POV

Nagpatuloy na kami sa pagbyahe pagkatapos naming kumain. Nandito na kami banda sa Session Road nang sabihin ni Tarah na kailangan niyang gumamit ng comfort room. Kaya naman nang may madaanan kaming gas station ay agad kaming huminto.

Ibababa ko na sana si Tarah sa may tapat ng CR ng gas station nang maunahan kami ng isang black Toyota Grandia. Nakita kong bumaba ang driver nito at nagmamadaling pumasok sa comfort room. Napakunot ang noo ko nang makitang parang pamilyar ang lalaki, 'yung height.. ang tindig ng katawan.. hindi ko nga lang masyadong nakita ang mukha dahil mabilis itong tumalikod sa gawi namin.

Napansin siguro ni Tarah na parang sinisino ko ang lalaking pumasok sa comfort room.

"Kilala mo Marco?" Tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat lang ako, "Hmm mukhang pamilyar lang."

"Tsk ano ba naman 'yan common CR pala dito, naunahan pa! Ihing ihi na ako eh!" Halos malukot ang mukha niya dahil sa inis. At sa pagkabigla ko ay ilang ulit niyang diniinan ang busina ng aming sasakyan.

"Hey Tarah! Stop it." Saway ko sa kanya. "Hintayin na lang natin, okay?" Buti naman ay nakinig at tumigil na siya sa pagta tantrums niya. Umupo na siya ng maayos at tumahimik na lamang. I admit hindi ko kayang maghandle ng babaeng tinotoyo.

Mayamaya lamang ay lumabas na ang driver ng Grandia mula sa CR, marahil ay narinig ang pagbusina namin. Nagulat ako nang makitang si Jed pala iyon. Sumesenyas ito na parang nagsasabing 'sandali lang' at agad din itong sumakay sa sasakyan.

Alam kong hindi niya ako nakita dahil tinted ang salamin ng sasakyan ko bukod pa sa may suot siyang Wayfarer sunglasses. Nang makaalis ang kanilang sasakyan ay agad akong umabante sa tapat ng CR. Bumaba naman agad si Tarah para magbanyo.

Sa dami ng makikita ko sa araw na ito ay bakit si Jed pa? Kung se-swertehin ka nga naman! Sabagay hindi naman ako dapat magtaka.. dito na rin siguro siya nagi-stay dahil nandito si Anicka sa Baguio. Alangan namang iwan niya ang misis niya lalo na at buntis ito.

Mayamaya pa ay nakabalik na si Tarah sa sasakyan. Napalingon ako nang siya ay magsalita, "Sorry nga pala kanina ha.. 'yung sa pagbusina.."

Umiling ako, "No, I understand. Ganyang ganyan din ang sister ko kapag may naramdamang discomfort, palibhasa ay na-spoiled ko." Napangiti ako dahil naalala ko ang bunsong kapatid ko na si Maddie. Halos magka edad sila ni Tarah ngunit maaga itong nakapag asawa at kasalukuyang naninirahan na sa States.

She smirked and even crossed her arms over her chest, "Hmp! Are you trying to imply something?"

"Wala naman."

"Hindi ako spoiled brat ha." Nagpout pa siya nang tumingin sa akin.

"I don't mean that. It's just that..."

Beeeep! Beeeeep!

Naputol ang diskusyunan namin nang may malalakas na busina kaming narinig. Nagkatinginan kami at sabay nagtawanan.

"Teka may spoiled brat din sa likod!"

To my surprise ay ibinaba niya ang window ng kotse sa side niya at inilabas ang kanyang kamay sabay nag bad finger sa sasakyan na bumusina sa amin. Lalo kaming napahagalpak ng tawa at binilisan ko na agad ang pagmamaneho para makalayo kami sa lugar na iyon.

"Napailing iling na lang ako, "Ikaw talaga!"

"Malayo pa ba tayo sa Max's?" Tanong ni Tarah habang tinitignan ang waze sa aking cellphone.

"No, we're actually one hundred meters away. To tell you frankly, I'm on pins and needles." Sagot ko habang diretso ang tingin sa kalsada.

Napakunot noo siya, "Bakit naman? Ang bait bait ni Kuya eh! I'm sure he will like you."

Somewhere Down The Road (Under editing)Där berättelser lever. Upptäck nu