Chapter 37

73 12 0
                                    

Marco POV

Tatlong oras na akong nakaupo dito sa aking swivel chair habang nakatutok sa computer screen. Pinipilit kong tapusin sa Autocad ang revisions ng aking design para sa music lounge nila Mr. Uehara.

Parang walang pumapasok na ideya sa magulo kong isipan. Hindi mawala sa isip ko ang pagkakaroon ng anak ni Anicka kay Jed. Masakit palang marinig mula sa bibig ni Jed ang buong katotohanang magkakaroon na sila ng anak ni Anicka. Para itong isang masamang panaginip na gusto kong takasan ngunit wala akong magawa kung hindi harapin ito.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at napapikit habang hinihilot ang aking sentido.

Mayamaya'y pinindot ko ang intercom, "Hello, Gian! May ipo-forward ako sa'yo dyang sketches ng music lounge. Let me know your suggestions about the design." Sabi ko sa isang nago-OJT na architect sa Drafting Department.

[Okay Sir, hintayin ko po.] Sagot naman nito.

Agad kong ine-mail sa kanya ang ginawa kong schematic diagram. Matapos iyon ay lumabas muna ako para pumunta sa pantry.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi ako makapag focus sa trabaho. Sa dinami dami pa ng magiging kliyente, bakit si Jed pa ang natapat sa akin? Pero kaya ko 'to.. isa akong professional at titiyakin kong hindi magiging balakid ang aking nararamdaman para matapos ko ang trabaho.

Medyo maingay sa loob ng pantry nang ako ay dumating. Nagkakatuwaan ang mga girls from the marketing department.

"Uuyyy nandyan ang crush mo," pabirong sabi ng isa kay Tarah na biglang napaupo ng derecho pagkakita sa akin.

"Hi Sir! Want some coffee? Ipagtitimpla po kayo ni Tarah."

"Hello!" Balik bati ko. "Please don't bother, I can manage."

To my surprise, ay agad akong inunahan ni Tarah para ikuha ako ng mainit na kape. Nagtilian naman ang kanyang mga kasamahan.

"Here's your coffee, boss! Mainit na mainit 'yan.. parang ako." Sabay hawi sa kanyang kulot at mahabang buhok.

Napangiti ako at naupo na sa isang sulok.

"Sandali lang Sir ha.." pakendeng kendeng siyang bumalik sa kanyang mga kasamahan.

Umabot pa sa pandinig ko ang pagsita niya sa kanyang mga kaibigan, "Behave nga kayo, nakakahiya kay Sir!"

Lihim akong napailing, talagang mga bata pa sila kung mag isip.

Lumapit ulit si Tarah na may dalang maliit na kahon, binuksan niya ito sa aking harapan. "Sir, baka gusto mong tikman ang donut ko? Ako mismo ang nag bake n'yan."

Nakita kong mukhang masarap nga ito kaya pabiro ko siyang tinanong, "Ikaw ba talaga ang nagbake nito? Marami ka palang talento."

"Marami pa po akong talento, gusto n'yo po bang malaman?" Pabulong nitong sagot  sa akin na may halong panunukso. Pinanayuan pa ako ng balahibo nang maramdaman ko ang pagdikit ng kanyang labi sa aking tainga.

Nagsisigawan muli ang nangangantyaw niyang mga kasamahan nang dumating si Ethan.

Nang mamataan ni Ethan na magkalapit kami ni Tarah ay pilyo itong napangiti, "Aha!"

Lumapit siya at sinita ako. "Bawal 'yan.. public display of affection." Iiling iling pa nitong sabi habang malaki ang pagkakangiti.

Tinapik siya ni Tarah sa kanyang braso, "Ikaw talaga Sir.. I'm just being friendly."

Nakita ni Ethan ang box ng donut, "Kanino ito?"

"Luto ko po Sir." sagot ni Tarah sabay abot kay Ethan.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now