Chapter 19

68 18 4
                                    

Marco POV

Today's gonna be a busy day! Maaga akong pumasok dito sa office ngayon. Sunod sunod ang mga meeting na naka line up ngayon dahil sa mga upcoming projects namin.

Pumunta muna ako dito sa pantry para magtimpla ng coffee. Naabutan ko si Ethan na nakatulala. He look depressed. Naging busy ako lately kaya hindi ako updated sa buhay niya ngayon.

"Pre!" Tinapik ko siya sa balikat para iparamdam ang presensya ko. Mukhang malalim kasi ang iniisip niya kaya hindi niya napansin na nandito ako. Napaka unusual kasi hindi naman siya ganito. He's a jolly person kaya panigurado may problema ang isang 'to.

"Problem?" Tanong ko sa kanya at umupo ako dito sa upuan na katabi ng inuupuan niya.

"Mababaliw ako pre." Napahawak pa siya sa noo niya pagkasabi niya nun.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

"Si Venice. Hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko siyang kausapin pero tangina mukhang wala akong mukhang maihaharap na sa kanya."

"Ano ba talaga naging problema n'yo pare? Kasi balita ko kay Anicka, nagpunta si Venice sa States at hindi alam kung kailan babalik or kung babalik pa ba."

Lalo siyang nagmukhang problemado sa sinabi ko.

"Umamin ka nga pare.. mahal mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako magkakaganito kung hindi ko siya mahal. Pero kasi pre may mga nasabi at nagawa ako sa kanya na nagtulak sa kanya palayo sa akin." Naiiyak na sabi niya.

Tinapik tapik ko ang balikat niya.

"Kung ano man 'yang naging problema n'yo, maaayos din yan. Ayaw n'yo namang sabihin sa amin kung ano ang dahilan pero I want you to know pre na nandito lang kami ni Landon. Iinom na lang natin yan mamaya?"

"Salamat pre!"

"Tara na may meeting pa tayo. Tara na dito punasan ko 'yang luha mo crying baby!" Biro ko sa kanya na ikinatawa naman niya.

"Sira ulo!" Sigaw niya sa akin at sabay na kami naglakad papunta sa conference room.

----

Saktong lunch time nang matapos ang ikalawang meeting namin para sa araw na 'to. Nandito na ako ngayon sa loob ng office ko. Nagpa grab na lang ako ng food para sa lunch dahil wala na akong time para lumabas.

Icha-chat ko na sana si Anicka nang biglang mag ring ang phone ko.

0945******* calling...

Unregistered number? Sino naman 'to?

"Hello!"

[Hello! Is this Marco Trinidad?]

Napakunot naman ang noo ko pa'no ba naman parang galit yung nasa kabilang linya.

"Yes speaking. Who's this?"

[Almira, Alexa's sister. She's at St. Lukes Hospital. You should go here!]

Hindi na ako nakasagot dahil naputol na ang tawag. Kinabahan ako bigla. Ano kaya nangyari sa kanya? Hindi ko siya makontak magmula nung umalis siya sa unit ko kaya hindi pa ulit kami nakakapag usap. Tapos ngayon mababalitaan ko na nasa hospital siya? Damn!

Hindi na ako nag aksaya ng panahon. Inayos ko agad ang mga gamit ko at nagmamadali akong lumabas ng private office ko.

"Hey, pre! Nagmamadali ka?" Si Landon na muntik ko pa mabangga sa may hallway.

"I need to go pre! Si Alexa nasa hospital."

Tumango naman siya at sumenyas na ako na aalis na.

Mabilis akong nakadating dito sa hospital. Buti na lang walang traffic at medyo malapit lang ito sa office namin.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now