Chapter 38

56 13 5
                                    

Anicka POV

Putok na ang araw nang kalampagin ng maingay na pagpukpok ang mahimbing kong pagtulog. Nilingon ko ang alarm clock na nakapatong sa side table para tignan ang oras.

Alas otso y media na pala! Naramdaman kong kumakalam na ang aking sikmura. Siguro ay gutom na si baby. Inabot ko ang box ng aking mga biscuit na nakapatong malapit sa bintana. Kumuha ako ng paborito kong Eggnog upang mapatid ang aking gutom.

Binuksan ko ang sliding wooden window na gawa sa capiz para tignan kung sino ang nagpupukpok sa balkonahe.

May nakita akong isang lalaking halos kaedad ni Tatay at kasama niyang nagkukumpuni ng mga lamesa at upuang kahoy.

Sinitsitan ko si Tatay pero hindi ako naririnig nito dahil sabay silang nagpupukpok at naglalagari ng mamang iyon.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina para uminom ng sariwang gatas ng kambing na minungkahi sa akin ni Tatay. Iyon daw kasi ang madalas niyang ipainom sa akin noong bata pa ako.

Hinanap ko si Nanay sa buong kabahayan habang umiinom ng gatas pero wala siya. Naalala ko nga pala ang plano niya kagabi na mamili ng ingredients ng paborito kong cake.

Nakita kong may mga maleta sa tabi ng pinto. Inisip kong baka may mga bagong uupang bakasyunista sa aming lodging house. Dali dali akong lumabas para kausapin si Tatay.

"Eh.. eh.. ah.. oh.. ah" wika nito habang sumesenyas sa kausap niya.

Napakamot ako sa ulo at nakakunot noo ko siyang tinanong.

"Na-engkanto po ba kayo Tay?"

Tumingin siya sa akin at nakatawang sumagot ng, "Ah.. oh.. eh.. eh.. eh" habang sumesenyas.

"Puro naman kayo kalokohan Tay eh! Kapag kayo nahipan ng masamang hangin.."

"Siya si Manong Dan mo. Kaklase ng asawa niya si Nanay mo. Nandito sila para maki fiesta at magdiwang ng kanilang silver anniversary! Hindi siya nakakarinig at nakakapagsalita pero nakakaintindi siya ng sign language."

Napatango tango naman ako, "Ahh.."

Inabot ko ang aking kamay upang magmano. "Kamusta po kayo?" Nakangiti kong tanong.

"Kakasabi ko lang hindi nakakarinig eh!" Pabirong sabi ni Tatay.

Nakita kong ibinukas ni Manong Dan ang kanyang kamay habang inikot ito sa harapan ng kanyang mukha sabay turo sa akin habang nakangiti.

"Maganda ka daw anak!" Nakangiting sabi ni Tatay.

Idinikit ko naman ang aking apat na daliri sa ilalim ng aking bibig at palahad iyong itinuro sa kanyang direksyon. Ibig sabihin nito ay maraming salamat sa sign language.

"Aba naalala mo pa pala ang tinuro sa'yo ng Nanay mo noong bata ka pa. Sila 'yung dumadalaw sa atin na palaging may pasalubong sa'yong mamatamis na pinya na galing Tagaytay. Six years old ka pa lang nun eh, naaalala mo ba?"

"Ahh.. si Manang Doris! 'Yung nagturo sa aking ng ibang sign language na alam ko. Kita n'yo matalas pa rin ang  memorya ko, tay."

"Paano mo naman sila makakalimutan eh pinapapak mo ang isa't kalahating pinya na pasalubong nila na madalas minamatamis ng Nanay mo? At pagkatapos lumabas pa nga ang mga bulate mo sa pwet 'di ba?" Pagkasabi noon ay humagalpak ito ng tawa na ikinalaki ng mga mata ko.

"Kayo po talaga Tay! Iyon ang ayokong alalahanin." Napairap ako pa'no bumalik nanaman sa alaala ko ang paghi-hysterical ko ng mga panahong 'yun.

Tawang tawa ang dalawa dahil iminimuwestra pa niya ito kay Manong Dan habang patuwad tuwad pa siya sa ginagawa nilang upuan.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now