Chapter 63

86 4 0
                                    

Anicka POV

Kanina pa ako nakahiga at nagpipilit na makatulog ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ramdam ko ang pagod ng katawan ko ngunit itong utak ko ay wala yatang kapaguran sa pag iisip.

Ilang ulit nagpapabalik balik sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Tarah kanina. Tagos sa puso ko ang lahat ng sinabi niya sa akin. Matatanggap ko pa ang mga pintas at panlalait niya sa pagkatao ko pero ang sabihin niyang siya na ang mahal at mas minahal ni Marco, iyon ang hindi ko matanggap.

Pero bakit nga ba kahit na sinasampal na nila sa pagmumukha ko ang katotohanan ay umaasa pa rin akong sana ay hindi totoo ang mga iyon? Na sana ako pa rin.. sana ako pa rin ang laman ng puso't isipan ni Marco.

Sabihin na nilang ako'y desperada at martir pero hindi ako pwedeng sumuko. Si Marco lang ang may karapatang magsabi sa akin kung sino na nga ba ang mahal niya. Hangga't hindi siya ang nakakausap ko ay hindi ako titigil na ipaglaban siya mula kay Tarah.

May pag-asa pa kaya na bumalik siya sa akin? Nasa puso pa kaya niya ako?  Oh sadyang wala na talaga? Napakadaming tanong sa isipan ko na tanging siya lang ang makakasagot.

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip. Ayokong mag-isa.. kailangan kong aliwin ang sarili ko kahit ngayon lang. Ayoko na munang mag-isip ng kung anu-ano.

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga. Mabilis akong nagbihis at nag ayos ng aking sarili. Pagkatapos ay tuluyan akong lumabas ng kwarto.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo dito sa bar counter ng music lounge ng hotel. Gusto kong mag libang at makalimot kahit sandali.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mabuti na lang at hindi masyadong crowded ang lugar kaya hindi masyadong maingay. Karamihan ng mga nandito ay mga foreigners, mga guests siguro dito sa hotel ang mga iyon. May sequencer band na nagpe-perform sa stage at tumutugtog ng slow listening music.

"What are you having, Ma'am?" Nakangiting tanong sa akin ng bartender na aking kaharap.

"One bottle of tequila, please."

Napansin ko ang pagtataka sa mukha ng bartender, "One bottle, Ma'am?"

Tumango naman ako, "Yes, you heard it right."

"Okay, Ma'am." Iniabot niya sa akin ang menu, "Baka gusto n'yo po ng pulutan?"

Tinanggap ko naman iyon at binasa ang mga pagkain na nakalista doon. Kaya lang, pakiramdam ko ay wala akong ganang kumain kaya sabi ko sa kanya ay mamaya na lang.

Nang ibigay niya ang alak sa akin ay agad ko iyong binuksan at nagsalin sa shot glass.

Gumuhit ang init sa aking lalamunan nang inumin ko ang unang shot.  Sumipsip ako ng lemon para mawala ang mapait na lasa.

Medyo hindi na ako sanay sa tequila dahil may katagalan na din mula noong huli kong inom nito. Pero gayunpaman, halos makalahati ko na agad ang laman ng bote. Nararamdaman ko na ang bahagyang pagkahilo nang may tumapik sa balikat ko.

"Hoy Anicka! Ano, sunog baga ka na ba at isang boteng tequila talaga 'yang tinitira mo?"

Nagulat ako nang paglingon ko ay ang nakatawang mukha ni AJ ang nakita ko.

"Marshy!" Natutuwang niyakap ko siya. "Long time, no see. Na-miss kitang bakla ka! Halika, halika dito at tulungan mo akong ubusin 'to."

Maarteng itinirik niya ang kanyang mga mata at napanguso. Umupo siya sa bar chair na katabi ko.

"Na-miss din kita, gaga! Oh sinong kasama mo?" Luminga linga pa siya sa paligid.

"Wala, ako lang." Bumaling ako sa bartender, "Pogi, pahingi nga ng isa pang shot glass saka pahiram ng menu."

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now