Chapter 18

61 18 6
                                    

Marco POV

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko. Lalo na nang maalala ko ang mga huling katagang binitiwan niya bago siya nakatulog.

Hinawi ko ang mga buhok na tumabing sa kanyang magandang mukha at muli ay ginawaran ko siya ng mabilis na halik sa kanyang labi.

Isa isa kong pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig at maingat ko siyang binihisan. Pagkatapos ay binuhat ko siya at dinala ko siya sa kwarto. Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama para hindi siya magising. Tinabihan ko siya at niyakap.

"Sobrang mahal kita Anicka." Bulong ko sa tenga niya kahit alam kong hindi na niya ako maririnig dahil malalim ang tulog niya.

Napangiti ako dahil hanggang ngayon pala ganito pa din siya matulog, tulog mantika.

Isang linggo akong hindi nagparamdam sa kanya para mapagtimbang timbang ko ang mga bagay. Ginawa ko ang sinabi ni Alexa na klaruhin ko ang isip at puso ko, kung sino at ano ba talaga ang gusto ko.

Pinili kong wag makipag communicate sa kanilang dalawa para malaman ko sa sarili ko kung sino ba talaga ang nasa puso ko.

Pero sa mga panahong iyon, mas nangingibabaw sa akin ang pag iisip ko kay Anicka. Sa tagal ng panahon na nagkalayo kami at nawalan ng communication, walang nagbago sa damdamin ko para sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang magkita kami ulit kahit na may Alexa pa na palagi kong nakakasama. Kaya nga nung nalaman ko na nagkakaproblema sila ng asawa niya at nakita ko kung gaano siyang kalungkot, hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at iparamdam na nandito lang ako para sa kanya. Nagkaroon nanaman ako ng pag asa na baka pwede pa.. pwede pa naming ituloy ang pagmamahalan namin noon. Alam ko namang kahit paano may pwesto pa rin ako sa puso niya. Ramdam ko 'yun lalo na nung nagkasama kaming dalawa. Nakita ko 'yun sa mga kilos at galaw niya everytime na magkalapit kami.

On the other hand, I feel sorry for Alexa. Napakaswerte ko na mahalin ng isang katulad niya. She sacrificed a lot for me. She even left her career abroad just to be with me. I was so dumb that I gave her hope that I could love her as much as she loved me.

Pero hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin. Dahil kung pwede 'yun, matagal ko na sanang minahal si Alexa.. yung pagmamahal na deserve niya.

Sinisimulan ko na sanang buksan ang puso ko para sa kanya eh, kaya nga inaya ko na siyang magsama kaming dalawa..pero binibiro ako ng tadhana, pinipilit nanaman kaming paglapitin ni Anicka. At itong tarantadong puso ko, naguluhan nanaman.

Kailangan ko na siyang kausapin once and for all. Hindi niya deserve ang isang lalaking katulad ko. Patuloy lang siyang masasaktan kung mananatili siya sa akin. She deserve someone better than me. Isang lalaking walang ibang mamahalin kundi siya lang. 'Yung lalaking pasasayahin siya at hindi siya paiiyakin. At alam kong hindi ako 'yun.

-----

Anicka POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at napangiti ako nang makita ko si Marco.

"Good morning, babe!" Nakangiting bati niya sa akin at agad akong hinalikan sa mga labi ko.

Napakunot noo ako. "B-Babe?"

Natawa naman siya. "Ayaw mo ba na babe na ang tawag ko sa'yo? Tayo na ulit 'di ba? Sinagot mo ako habang--"

"Stop it!"

"Aray!"

Sinabunutan ko siya pa'no ba naman ipapaalala pa yung momol moment namin kaninang madaling araw! Bigla tuloy nag init ang mga pisngi ko dahil sa hiya.

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now