Chapter 33

70 14 9
                                    

Jed POV

Naibaba ko ang basong hawak ko nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Anicka sa aking braso. Nilingon ko siya at napansin ko ang kanyang pamumutla. Ilang saglit pa ay bigla siyang nawalan ng malay at kung hindi lang ako maagap sa pagsalo sa kanya, malamang ay bumagsak siya sa semento.

"What happened to her?" Natatarantang tanong ni Mr. Uehara. Nakita ko rin ang mga nag aalalang mukha ng tatlo pang kaharap namin.

Tinapik tapik ko ang mukha ni Anicka at nang hindi ito magising ay agad ko na siyang binuhat.

"We need to bring her to the hospital at once." sagot ko sa kanya habang inaalalayan ako nina Ethan at Landon sa pagbuhat kay Anicka papunta sa sasakyan.

Mabilis naming isinakay si Anicka sa loob habang ako naman ay nagmadaling sumakay sa driver's seat.

"Maraming salamat mga brad!"

"Balitaan mo agad kami Jed sa kundisyon ni Anicka." Tumango lamang ako.

Agad na akong nagmaneho papunta sa St. Lukes Hospital. Nang makarating kami sa Emergency Room ay agad siyang inasikaso ng mga doctor.

Naupo ako dito sa may waiting area. Labis na pag aalala ang aking nararamdaman. Ngayon lamang nangyari ito sa kanya. Sana naman ay maging ayos na siya.

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng nurse.

"Mr. Rosales, may malay na po ang pasyente. Gusto po kayong makausap ni Doc."

Tumayo ako at pumasok sa ER. Sinalubong ako ng doctor malapit sa kinahihigaan ni Anicka.

"Your wife suffered Hypotension." Panimula ng doctor.

"Ano po 'yun Doc?"

"Masyadong mababa ang blood pressure niya kaya siya hinimatay. We need to run some tests to determine what is causing the sudden drop of her blood pressure." The doctor explained.

"Okay po Doc."

Nagpaalam na ang doctor at nilapitan ko kaagad si Anicka.

"Are you okay, baby? Ano nararamdaman mo?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm feeling better. M-Medyo nahihilo lang. P-Pero kaya ko na, umuwi na tayo." Sagot niya habang nagpupumilit na tumayo.

Nilapitan kami ng nurse nang makitang medyo nahatak ang suwero niya.

"Misis, 'wag po muna kayong tumayo." Inalalayan siya nitong mahiga ulit.

Lumapit naman ang isang MedTech para kuhanan na siya ng blood sample.

Nang matapos iyon ay tinanong ulit ako ni Anicka kung pwede na kaming umuwi.

"We need to wait for the test results." I said. "Just take a rest, baby." Nginitian ko siya habang hinihimas himas ko ang kanyang buhok.

Mabuti naman at nakinig siya at tumahimik na lang. Mayamaya lang ay napansin kong nakatulog na pala siya.

Nagpasya akong lumabas muna. Nagtungo ako sa parking lot, sumandal ako sa gilid ng sasakyan at nagsindi ng sigarilyo.

Suddenly I heard Anicka's phone ringing. It's in her bag at the passenger seat of our car. I got the phone to see who's calling. It was Ethan. I answered the call and in a worried voice he asked;

[Hello Jed! Kamusta si Anicka? Ano nangyari?]

"Nasa ER pa eh. Nagkamalay na siya pero we're waiting for the test results." sagot ko sa kanya.

[Balitaaan mo kami para makadalaw kami dyan bukas.]

"Di ko pa sure kung ia-admit siya eh. Pero I'll let you know."

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now