Chapter 20

60 18 5
                                    

Marco POV

"Anicka!" Sabay sabay na sigaw nina Joyce, Vanna at Jade.

"Sige Marco ha congratulations na lang sa inyo. Hahabulin na namin si Anicka." Paalam ni Jade at hinila na niya ang dalawa.

Hindi na ako makapagsalita. Gusto kong sumunod sa kanila. Kung hindi nga lang nakayakap sa akin si Alexa ay malamang kanina pa ako tumakbo palayo dito at humabol na din kay Anicka.

Hindi sa ganitong paraan ko gustong malaman ni Anicka ang tungkol sa kalagayan ni Alexa.

Matagal akong hindi nagparamdam sa kanya dahil nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para magtapat sa kanya ng tungkol sa sitwasyon ko.

Bakit ba napaka gago ko na hindi ko sinabi agad sa kanya? Eh di sana kung sinabi ko sa kanya agad, sana siguro pwede niya pa ako maintindihan?

Alam kong nasaktan siya. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya nang makita niya kaming magkasama ni Alexa. Kaya nga iniwasan kong mapatingin sa kanya.

Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdiin ng mga kuko niya sa braso niya tanda nang pinipigilan niya ang nararamdaman niya. Alam ko, alam kong umiiyak siya nung tumalikod at tumakbo siya palayo sa amin.

Masakit. Masakit palang makitang nasaktan mo ang taong pinakamamahal mo ng sobra sobra. Kung maibabalik ko lang ang oras, kung nauna lang kaming nagkita at nagkaayos sana kami agad noon, malaya ko sanang maipapakita at maipaparamdam ang pagmamahal ko para sa kanya at hinding hindi ko sana siya masasaktan.

Malakas na tawa ni Alexa ang nagpaputol sa malalim na pag iisip ko. Dahan dahan akong tumingin sa kanya.

"Anong nakakatawa Alexa?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Si Anicka kasi nakakatawa nalaman lang na buntis ako nagtatakbo na!" Patuloy pa din siya sa pagtawa.

Parang gusto kong mainis at iwan siya dito mag isa.

"Tsk."

"Oh bakit galit ka? Affected ka ba sa pagtakbo niya? Go, habulin mo! Iwan mo ako dito mag isa.. kapag may nangyari sa akin at sa baby natin, kasalanan mo huh!" Pagbabanta niya.

Gusto kong magalit. Sa loob ng two weeks mula nung bumalik siya, palagi niya akong bina black mail na kapag may nangyari sa kanila ng baby ay magiging kasalanan ko.

Sinusunod ko naman ang lahat ng gusto niya, hindi na ako lumalabas. Trabaho, bahay lang ako. Ano pa ba gusto niya?

Hindi na lang ako kumibo.

"A-Aray.. Marco sumasakit ang puson ko.."

Nag alala naman ako bigla.

"Wait, pupunta tayo sa hospital! Bubuhatin na kita."

"Wag na.. kaya ko naman maglakad. Saka na-stress lang ako! Umuwi na tayo." Saway niya sa akin nang bubuhatin ko na siya. Tinabig pa niya ang kamay ko na nakaalalay sa braso nya.

-----

Anicka POV

Dito ako tumuloy sa bar na palagi naming pinupuntahan ni Venice. Ayaw ko munang umuwi. Gusto kong magpakalasing para matanggal ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. At kahit mawalan pa ako ng malay dito dahil sa kalasingan ay wala na akong pakialam.

Tangina! Kota na ako sa sakit! Ako na ang nabubukod tangi.. niloko na at kinaliwa na ako ni Jed, tapos ngayon niloko at pinaasa naman ako ni Marco! Magbigti na kaya ako?!

Ako naman kasi 'tong si gaga, alam ko namang may girlfriend na si Marco, pinatulan ko pa! Mabilis akong nag pauto sa pambobola niyang bwiset siya! Oh eh 'di 'eto ako ngayon at umiiyak! Shit lang talaga!

Somewhere Down The Road (Under editing)Where stories live. Discover now