Chapter 26

88 2 0
                                    

The next morning, Nana Elena was already in the kitchen and was busy preparing a savory breakfast when Ysa woke up.

Gosh Ysa, you're not in Manila anymore. You're in Batangas. Mahiya ka nga. Wala kang yaya. Nakikitira ka lang. Sermon niya sa sarili.

"Magandang umaga po Nana. Naku, nakakahiya naman po ang aga nyo po gumising para magluto." Nahihiyang bati niya sa matanda na abala sa ipinipritong isda. And even though the kitchen had its exhaust fan, she could still smell the food being cooked.

"Naku hija, huwag kang mag-alala at maaga talaga akong nagigising. Abay sa katandaan ko na siguro, kaya alas-kwatro palang ng madaling araw eh gising na ako." Sagot ng matanda. "Saka maaga talagang nagigising ang mga tao dine at pangingisda ang kanilang hanap-buhay. Maaga pa lamang ay kailangan nang pumalaot eh." Dagdag pa nito.

Lalo tuloy siyang nahiya. Baka akalain ng matanda na spoiled brat sya.

"Naku Nana, pasensya na po kayo at tanghali na po ako akong nagising."

"Wala iyon hija." Sagot ng matanda. "Pero akoy nalulungkot lamang."

"B-Bakit naman po Nana?" She was so worried that Nana Elena got disappointed with her.

"Alam mo hija, kahit unang kita ko pa lamang sa iyo kahapon ay botong boto na ako sa iyo para dyan sa alaga kong si Kline eh. Ramdam ko kasing mabait ka at mabuti kang tao, hindi katulad ng mga ibang kabataang babae dyan, ay naku saksakan ng mga kaartehan sa katawan, makita lamang si Kline ay kulang na lamang ay ipamigay ang sarili dun sa apo-apuhan ko." Nana Elena explained while shaking her head.

Hindi siya kumibo. Alam kasi niyang nuknukan din siya ng kaartehan. And god knows, gwapong-gwapo din siya kay Kline.

"Ay kaso nga lang..." Nana Elena hanged the sentence. Napabuntong hininga pa ito. Kaya naman mas lalo siyang kinabahan. "Ay nag-break na nga ba talaga kayong dalawa kagabi eh?" Malungkot na tanong nito.

"P-Po?" Tanging nasabi niya.

"Abay kwento sakin kagabi ni Tiny eh, iyak daw ng iyak itong si Kline kagabi at lasing na lasing dahil hiniwalayan mo na daw." Malungkot na kwento ng matanda.

So, news travels really fast around here huh.

"Pasensya na po kayo Nana, napag-desisyonan-

Biglang naputol ang sasabihin niya ng makaramdam siya ng pagka-hilo at pagbaligtad ng sikmura. She felt a sudden nausea that she wanted to throw up. Nasapo po niya ang kaniyang sikmura.

"Ayos ka lamang ba hija?" Natigil naman sa ginagawa ang matanda nang mapansin siya. Nana Elena turned off the fire and looked at her worriedly.

Mabilis niyang tinungo ang kitchen sink at doon ay sunod sunod na dumuwal. Agad siyang nilapitan ng matanda upang alalayan habang hinahagod-hagod ang kaniyang likod.

Nana Elena guided her back to the chair she was sitting on.

"Ano bang nangyayari sa iyong bata ka? Abay putlang putla ka eh." Nag-aalalang tanong ng matanda habang hinahaplos ang kaniyang likod.

"Nahihilo po ako Nana." Her short response before she ran towards the sink again and continued vomiting.

There was a brief silence before Nana Elena spoke.

"Ysa anak.. nagdadalang-tao kaba anak?" Malumanay at may halong pag-aalalang tanong ng matanda. She froze, before slowly turned to the old woman. She's worried that the old woman might misunderstood the situation.

"N-Nana Elena." Tanging nasabi niya.

The old woman was still looking at her. Waiting for her answer.

Kline's Beautiful DownfallWhere stories live. Discover now