Chapter 13

108 4 14
                                    

"Uhh uhm.. h-here." Narinig niyang sabi ni Kline mula sa likuran niya. She wiped her tears. Pag-lingon niya dito ay may inia-abot sa kaniya ang binata.

It's a Starbucks skinny hot chocolate.

Naramdaman niyang kinuha nito ang kamay niya at ihinawak iyon sa mainit na cup. Noon lang niya napansin na nakatulala lang pala siya sa hawak nito.

"Thanks." She even lacked energy to answer.

"Can you please sit down atleast? Kanina ka pa nakatayo dyan, baka ikaw naman ang magka-sakit nyan." Sabi ni Kline sa kaniya. It's more like a command, that she never heard from him ever since they met, but it sounded warm and endearing. Hindi na nga niya namamalayan kung ilang oras na siyang nakatayo sa harap ng glass wall kung saan nasa loob niyon si Gab at inaasikaso ng mga doktor.

"It's okay. I'm fine." She forced a smile.

"No. You are not." Sabi ni Kline.

"K-Kline.. si Gabby." Tumulo na naman ang luha niya. Everyone knows how she loved and how she was close to her twin brother. Kaya malamang ay alam din ni Kline kung gaano siya ka-worried ng mga oras na iyon.

"Shhh.. don't worry to much." Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mata. "He will be fine. Saka hindi siya papabayaan nina Kuya Luke." He said reassuringly.

Naramdaman niyang kinabig nito ang ulo niya sa dibdib nito at niyakap siya. She could feel his tender and warm embrace and it made her feel somehow at peace and far from the chaos. Muli na naman siya tuloy naluha.

"Let's sit there and wait for Kuya Luke okay?" Kline said and lead her to a couch.

Yanku was also there, in the couch. Sniffing. Umiyak din siguro ang mokong dahil mugto ang mga mata nito. Alam niyang sobrang nag-aalala din ang dalawa sa kakambal niya. Naabutan nga niya ang mga ito na naka-tulala lang kanina habang naka-upo at kausap ang mga police. Abot-abot din ang pagso-sorry ng mga ito sa Kuya Luke niya dahil sa nangyari, when in fact, hindi naman kasalanan ng mga ito ang aksidente. She knew Kline and Yanku would never do things that would harm her twin brother. Alam niya kung gaano ka-close ang tatlo na daig pa ang magkakapatid ang turingan simula noong grade school palang ang mga ito.

"Y-Ysa.. sorry uli. Kung hindi lang sana-

Here it goes again. Napapikit siya ng mata. Hindi na itinuloy ni Yanku ang pagso-sorry uli. Narinig niyang sinaway ito ni Kline.

"Tsk! Ang kulit mo kasi." Narinig niyang sabi ni Kline.

Bigla siyang napatayo, ganoon din sina Kline at Yanku, nang bumukas ang glass door sa kanilang harapan at sinalubong ang kuya Luke niya.

"K-Kuya! H-How's Gabby? Is he okay? Can we see him now?" Sunod-sunod na tanong niya sa panganay na kapatid na doktor.

"We are still running some test on him." Tila pagod na sabi ng kuya niya.

"Is he awake now kuya Luke?" Nag-aalala ding tanong ni Kline.

Napatingin siya sa kuya niya. Pero malungkot na umiling ito.

"Gab is in coma." Maikling sagot nito at bumuntong-hininga. "We are transferring him to the ICU. But don't worry, he will be fine." Her Kuya Luke hugged her. He knew how close she and Gab were.

"Kuya Luke, please tell Tita Estella and Tito Frank we are really sorry." Narinig niyang sabi ni Kline.

"Mom called already, and don't worry, wala naman kayong kasalanan na dalawa. It's an accident. So don't be too hard on your selves okay." Said her Kuya.

"Thank you kuya Luke." Sagot naman ni Yanku.

"Ysa, I have to go, I have some patients to attend to."

Kline's Beautiful DownfallΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα