Chapter 14

100 4 1
                                    

"Good morning Miss Ysa!" Loreen, her assistant, greeted her in-front of her office.

"Good morning Loreen! You look so happy today. Bakit anong meron?" Bati din niya dito. "By the way, I like your skirt! It's really cute!" Bati niya sa suot nito.

"Thank you Miss Ysa." Wariy kinikilig na sabi nito. "By the way maam, someone is waiting for you inside your office. Pinapasok ko na po, baka kasi umalis pa. At ang aga niya maam ha, naunahan nya pa po ako sa pagpasok." Excited na sabi nito.

"S-Sino?" Takang tanong niya dito.

"Ako lang naman!" Nakangiting singit ng isang slim at matangkad na babae mula sa mula sa bumukas na glassdoor ng opisina niya. Walang iba kundi si Liza Yu. Naka-suot ito ng very modern na black lacy dress with matching black Christian Louboutin pumps.

"L-Liza?"

"Wala ng iba." Sabi nito sabay hubad ng suot nitong sunglasses. "Where is the contract? Pipirma na ako, bilis! Gosh! Kanina pa ako naghihintay dito ah." Maarteng sabi nito.

"A-Are you sure? Teka, diba-

"I changed my mind. I wanna take the project na. And yes, I'm 1000 percent sure!" Nakangiting sabi nito pero halatang plastic lang.

Takang napatingin lang siya dito habang nauuna pa ito na muling pumasok sa opisina niya at umupo sa silya na nasa harapan ng executive desk niya.

Anong nakain ng babaeng ito at biglang pumayag? Eh diba nga more than 4 times na yata itong tumanggi sa deal nila.

Wait... Bigla siyang may naalala.

Give me until tomorrow, and Liza Yu will be coming to your office to sign the contract. Nag-replay sa isip niya ang sinabi ni Kline sa kaniya kahapon.

She was about to enter her office when her phone rang. She answered it quickly.

"So, how's the contract signing going on?" Said a sexy baritone voice on the other line.

Napangiti siya ng wala sa oras.

"Hoy Mr. Kline Andrei!" Napatingin sa kaniya ang mga empleyada niyang nasa harapan ng office niya dahil napalakas yata ang boses niya. "Anong ginawa mo at nagkukumahog yung Liza na yon na pumirma ng kontrata na akala mo wala ng bukas?" Pabulong pero natatawang tanong niya dito.

She was really curious, because if there's one thing she knows about Kline, this guy has his own way of getting things done. Kaya nitong makuha ang isang bagay sa kahit anong paraan na gustuhin nito. And she must admit, no matter how peculiar or reckless or even naughty his ways were, she can't help but be amazed by them.

"Ay grabe ka talaga sakin no? Sa tono ng pagkakatanong mo parang ibinenta ko yung katawan ko kay Liza ah. Tsk tsk!" Reklamo ng binata sa kabilang linya.

Natawa tuloy siya.

"Malay ko ba." Pangbubuska niya dito. "So, paano mo siya napapayag?" Curious pa din na tanong niya dito.

"Hahaha! Of course, I know how to use my charms. Simpleng diskarte lang." Mayabang na sagot nito. "She's actually pretty nice, so I just made a little deal." Dugtong nito.

"Anong deal naman?"

"Well... hmm.. that's a secret! Hahaha!"

Secret secret ka pa dyan! Tse!

"Mmmm okay." Sabi niya. "Anyway, thank you Kliney!"

Kline's Beautiful DownfallDär berättelser lever. Upptäck nu