Chapter 15

99 4 0
                                    

"W-Who?" Turo niya sa sarili. "Me?" Tanong niya kahit alam niyang siya ang tinutukoy ng mga ito. The idea made him cringe. Sabay pa na tumango sina Ysa at Clarence na akala mo nangingislap pa ang mga mata dahil sa binabalak.

"Gwapo, matangkad, nice skin and color, perfect physique, charming smile. Perfect!" Napapalakpak na sabi ni Ysa na napatayo pa mula sa swivel chair nito. "I agree with Liza Yu, she has a point.

"Correct ka dyan sis! Magaling din talagang pumili yung babaeng iyon no." Pang-sangayon naman ni Clarence.

"No. No. No. No!" Sabi niya sabay tayo upang takasan ang mga ito. "Forget it. I'm out."

"Hep hep hep hep! Where do you think you are going mister?" Mabilis na habol sa kaniya ni Ysa sabay hawak sa isang braso niya. Napatingin naman siya kay Clarence ng ito man ay humawak din sa kabilang braso niya upang hindi siya makatakas.

Mabilis siyang iniupo pabalik ng mga ito sa couch. Him at the center, with Ysa and Clarence guarding him on both sides.

Great!

"Bitiwan nyo nga ako, uuwi nako." Pakiusap niya sa mga ito. "Ysa." Tingin niya sa dalaga.

"Kliney, friend, please.. please.." Paki-usap ng dalaga. She's even showing her cute expression, which unfortunately never failed at melting his heart.

Tsk! Patay tayo dyan! Napapikit siya ng mariin. Parang biglang sumakit ang ulo niya.

"Please Kliney, tinulungan mo na kami kay Liza, lubos-lubosin mo na please." Sabi din ni Clarence na mukang nagpapa-awa ang itsura.

"No. No. I can't do it." Iiling iling na sabi niya sabay tayo. Ngunit hinila siya uli paupo ng dalawa. "Please ask me anything else and I'll do it. But posing like a model? No way!" Sabi niya na parang kinikilabutan pa.

"Please naman Kline oh. Last na 'to promise." Ysa was tugging his arm like a cute little girl asking for favor.

"Okay, I will ask Yanku to do it." Sabi niya sabay akmang kukuhanin mula sa bulsa niya ang cellphone upang tawagan ang kaibigan ngunit pinigilan siya ng mga ito.

"Ikaw nga yung gusto ni Liza." Sabi ni Clarence.

"I'm sorry guys, but I really can't. I hope you understand. Humanap nalang kayo ng iba. Madami naman sigurong pwedeng pumalit dun sa male model nyo."

Siya? Si Kline Andrei, mag-popose bilang model? No way!

Conceit aside, he knew he's got the visuals. But no. Kline Andrei isn't for public consumption. He's exclusively for someone special.

"But you are a perfect fit for it. Look at you." Ysa even stood up in front of him and scanned his perfect visuals. Muntik na nga siyang kiligin dahil sa paraan ng pag-tingin nito sa kanya. She looked really pleased and amazed by how good looking he is.

"Do you really want the whole world to discover me like that? To look at me like that?"

"Of course! I'm sure, sa itsura mo na yan? This project will get a lot of attention!" Excited na singit ni Clarence.  Him and Ysa even held hands while excitedly jumping up and down because of happiness.

Kline's Beautiful DownfallWhere stories live. Discover now