Chapter 12

128 5 15
                                    

"Did you get your things?" Tanong ng mama niya pagbaba niya ng sasakyan. She was standing right at the front door. Hinihintay siya nito na dumating.

"Mmm yeah. They're inside the car." Sabi niya saka humalik sa pisngi ng mama niya, saka ito inakbayan habang papasok na sila sa loob ng bahay.

"So you're not staying for the night I see." Kunwari'y nagtatampong sabi ng mama niya.

"Of course I am." And he kissed her on her forehead. "Ah, by the way mom, do you wanna stay with me in Batangas?" Bigla niyang naisip itanong sa ina.

"So, you're staying in Batangas pala?" Bigla itong napatingin sa kaniya.

Shit! Nadulas pa siya sa mama niya. Hindi siya agad naka-sagot.

"Mmmm no. Just a plan. You can join me if you want." He reasoned. Hope his mom will fall for it.

"Kliney, you know I cant. Sino nalang makakasama ng mga kapatid mo dito, lalo na si Gwen." Sagot ng mama niya.

Oo nga pala. Kung pwede lang sana niya kuhanin lahat ng mga kapatid niya.

She pinched his cheek. Tinawag nito si Manang Selya upang nagpatulong maghanda ng dinner.

His mom and manang Selya prepared all his favorite foods for dinner. His Ate Venice even jokingly said that she didn't even get the same treatment even if she came home after being away for too long. Natawa nalang sila dahil alam naman nang lahat sa mansyon na si Kline ang baby boy ng mama nila.

"So when are you going to invite Ysa over for a dinner?" Tanong ng mama niya habang kumakain sila.

Napansin niyang napatingin sa kaniya and Ate Venice niya at si Gwen. Nang tignan niya ang mga ito ay halatang nagpipigil ng tawa.

"W-What?" Takang tanong niya. Naniningkit ang mga tingin na ipinukol niya sa dalawa dahil alam niyang siya ang subject ng mga ito.

His ate Venice drank her water and spoke.

"Mama, did you checked our group chat?" Tanong ng ate Venice niya sa mama nila. Mayroon kasi silang groupchat, it includes his sisters, his mom and him of course. Ginawa ito ng ate Kate niya.

"No. Not yet. Why?" Takang tanong ng mama nila.

"Ate Kate sent a video clip there. It was kuya. And it was so funny cuz he got rejected by ate Ysa, and kuya's face was like it was the end of the world. He was about to cry there! Cute!" Natatawang kwento ni Gwen.

Tuluyan na din natawa ang ate Venice niya.

Shit! That sneaky snake! His ate Kate was able to get a video of him. Ugali talaga nito iyon. Naalala pa niya noong high school palang siya, his ate Kate would take a stolen picture of him flirting with other girls and would threaten him that she would show it to his girlfriend, para lamang hindi niya ito isumbong kapag naglalakwatsa ito.

"Really? Awww.. kawawa naman itong baby Kliney ko." His mom even showed him her puppy face. "Don't worry baby. Just try and try. I can feel that you are meant for each other." Sabi ng mama niya na parang kinikilig pa.

"Rejected? Who? Me? C-Course not!" Depensa niya.

"Haaaay. Kailan kaya may lalaking iiyak para sa akin." Said his Ate Venice with her dreamy eyes.

"Tsk. Bakit ba ganyan kayong mga babae? Ano ba napapala nyo kapag may umiiyak na lalake para sa inyo?" Naiiling na lang na sabi niya. "Ang brutal nyo naman."

"Whoah! Look who's talking." Pairap na sabi ng ate niya. "Palibahasa kasi wala kang ka-alam alam pagdating sa sweetness. When a guy cries for a woman, it means that he loves her so much. That he couldn't imagine living without her." Dramatikong sabi ng ate niya sabay subo ng salmon na nasa tinidor.

Kline's Beautiful DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon