Chapter 8

138 7 14
                                    

"Y-Ysa?!" Kandautal na sabi niya. Hindi niya masalubong ang matalim na tingin nito at ang naka-arko nitong kilay. Kasama nito si Clarence.

What the hell? Bakit ba pakiramdam niya ay nahuli siya nitong nambababae?

Shit naman! Ngayon na nga kang sila uli lumabas, nahuli pa sila ni Ysa. Wrong timing talaga!

He tried to meet her eyes.

Lub-Dub - Lub-Dub - Lub-Dub!... Lub-Dub - Lub-Dub - Lub-Dub!...

"Aghh!" Mabilis siyang napahawak sa dibdib niya. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib niya, hindi niya alam kung bakit.

"What's the meaning of this?" Tanong ni Ysa na nakapag-tigagal sa kanilang tatlo. Walang nakasagot sa kanila.

Nakita niyang mabilis na binitiwan nina Gab at Yanku ang mga hawak na alak, at bumitiw sa pagkakaakbay sa mga katabi nitong mga babae. Pasimpleng binitiwan naman niya ang hawak na lemon slice. He saw Clarence smirked, at saka inirapan ang babaeng katabi ni Yanku.

"Y-Ysa.. w-what are you doing here?" He was stuttering.

Hindi siya nito sinagot. At ang kakambal nito ang binalingan.

"Gabby bawal sayo yan! Kakagaling mo lang sa hospital diba? Alam ba ni mommy yang mga ginagawa nyo?" Naiinis na tanong ni Ysa

"Woah! Wa-wa-wa-wa-wait!!!" Sabi ni Gab ng makabawi sa pagkabigla. "Pinadala ba kayo ni mommy dito para bantayan kami?" Naniningkit at nanunubok ang mga mata ni Gab.

"Of course not!" Sagot ng dalaga.

"Wait honey, who is she?" Tanong sa kaniya ni Liza sabay hila sa braso niya upang umupo siyang muli sa tabi nito.

Fuck! Why the fucking hell she's calling him honey in front of Ysa?

At alam niyang narinig iyon ng dalaga dahil nakita niya ang pag-taas ng isang kikay nito! He's so fucked up!.

"So anong ginagawa nyo dito? Napadaan?" Tanong ni Gab.

"We're here para maka-move on na siya!" Singit ni Clarence, saka matamis na ngumiti kay Yanku.

"I'm telling you Gabby, one more drink and you're all going home." Sabi ni Ysa. "Sis, let's go!" Sabay hila kay Clarence na nakatitig pa din kay Yanku.

"Hey! Don't boss me around like that. Mas matanda pa din ako sayo ng ilang minuto-..." Hindi na naituloy ni Gab ang sinasabi dahil nakaalis na ang mga ito.

Sinundan niya ng tingin kung saan pupunta sina Ysa at Clarence. Umupo ang dalawa sa isang couch hindi kalayuan sa pwesto nila. Mukhang babantayan nga nito ang kakambal.

May lumapit na waiter at umorder ang mga ito.

He found himself lowkey staring at Ysa again like she's some art piece that needs to be appreciated.

Oh boy ang ganda talaga ni Ysa! Lalo na sa suot nito na lalong nagpakita ng magandang hubog ng katawan nito at makinis na balat.

He took off his denim jacket, leaving the black shirt on. Parang bigla kasi siyang nainitan.

Then he realized, hindi lang siya ang nakatitig dito. Kung ang mga babae sa loob ng bar ay abot abot ang sulyap sa gawi nilang tatlo nina Gab at Yanku, halos lahat naman ng mga lalake ay naka-titig kay Ysa. And he hates it!

Kline's Beautiful DownfallWhere stories live. Discover now