Chapter 21

98 4 0
                                    

-Flashback-

"Yanku bro bakit kinakausap mo yun?" Tanong niya sa best buddy niya nang bumalik ito sa desk nito katabi niya.

Nang bumalik kasi ito galing sa school canteen ay nakita niyang tinabihan at kinausap ni Yanku iyong bagong transfer na kaklase nila. Gabriel Yuan Sebastian ang pangalan. Tahimik ito ngunit mukhang suplado at mayabang. Nai-inis din siya dahil dati sila lang ni Yanku ang crush ng mga girls sa buong school. Ngunit ngayon ay may kahati na sila.

"Hayaan mo na bro. Hindi naman pala siya mayabang. He looked snobbish, pero hindi naman. Sagot ni Yanku. "And you know what bro? Meron din siyang Jordan-AP na watch. It looks really dope! My dad said there's only 20 pieces of it in the world. Cool!" Bulong pa sa kaniya ni Yanku.

Nilingon niya si Gabriel na nasa gawing likuran nila, saktong pag-tingin din nito sa gawi nila mula sa pagkaka-yuko nito. Tinanguan niya ito and Gabriel nodded back.

The next day, nakita naman niya ito na mag-isa na lamang sa school waiting area dahil uwian na. Malamang ay hinihintay nito ang sundo.

Hinintuan ito ng SUV na sinasakyan niya.

"Boy, saan ka nakatira? Wala pa ba ang sundo mo? Ikaw na lang mag-isa maiiwan dito." Tanong dito ni Mang Ben na family driver nila.

He rolled down the window. Nakilala naman siya nito agad.

"Gabriel bro sumabay kana. Ihahatid ka namin sa inyo." Yaya niya sa bagong kaklase.

"Thanks bro. Pero baka dumating yung sundo ko. Baka hanapin ako." Sagot nito na hindi man lang natitinag sa pag-kakaupo sa waiting area.

"Are you sure? You can just text them na umalis ka na. Bahala ka, madaming naki-kidnap na bata dito." Pananakot niya. "Ikaw din baka ma-kidnap ka, tapos ipapatubos ka ng mga kidnapper sa mommy at daddy. Baka kuhanin din nila yung internal organs mo."

Mukha namang effective dahil bigla itong tumayo sa kinauupuan.

"R-Really?" Halatang kinabahan na sabi nito habang lilinga-linga pa sa paligid. "W-Wait... sige na nga, sasabay nako sa inyo. Manong sa Forbes Park lang po." Sabi nito at mabilis na sumakay sa sasakyan nila.

"Woah! Your house is so big. President din ng company yung daddy mo?" Tanong niya kay Gab nang maka-pasok sila sa mansyon ng mga Sebastian. The house looked so big kahit nasa malayo pa lamang sila. Mas malaki pa yata ito sa bahay nila.

"Uhmm... yup! He's the boss of the company." Sagot naman ni Gab.

"Wow! You have a basketball court! Can we play?" Sabi niya nang madaan sila sa basketball court na nasa loob mismo ng bakuran ng mansyon. "Yanku and I really like playing basketball. Ikaw din bro?"

"Cool! Me and my brothers play basketball a lot during weekends. Wala ka ba basketball court sa inyo?" Tanong nito sa kaniya.

"Wala kaming ganyan sa bahay. Puro girls kasi mga kapatid ko. And dad said it's a waste of time playing, I should instead read books."

"Gabby baby! You're home!" A middle aged woman greeted Gab pag-baba nila sa SUV sa tapat ng veranda ng malaking bahay. The woman looked so beautiful. And he guessed it's Gab's mom dahil may hawig ang dalawa.

"Mom, this is Kline, my classmate. Hinatid nila ako dito kasi wala pa si Mang Julio." Sagot ni Gab sabay halik sa pisngi ng mommy nito.

"Wow! May friend na agad ang baby ko sa school. That's great!" Tuwang tuwang sabi ng mommy ni Gab. "Hello Kline! Thank you for being nice to Gabby! You can call me Tita Estella." Bati nito sa kaniya.

Kline's Beautiful DownfallWhere stories live. Discover now