Chapter 24

109 5 1
                                    

"Kline malayo pa ba tayo?" Tanong niya kay Kline habang nagda-drive ito. She's starting to feel impatient dahil parang ang tagal na nilang nagbi-byahe. Nalagpasan na din nila iyong vacation house nila.

"Malapit na tayo. Napaka-mainipin mo naman. Patience!" Kline sneered.

"Patience patience." Pabulong na sabi niya. "Inililigaw mo ba ko?" Ngunit lalo lamang siyang nainis dahil parang wala lang iyon dito. Tumawa lang ang binata.

Oh Lord give me strength! Parang bigla niyang pinagsisihan na pumayag siya sa offer nito na doon mag-stay sa bachelor's pad nito.

Napansin niyang lumihis sila ng takbo ni Kline sa main road.

Bigla siyang nainitan dahil sa inis at inip na nararamdaman kaya hinubad niya ang suot na denim jacket, leaving her white tube top. She also searched for a hair tie from her hand bag and tied her hair in a bun.

Kline maxed the air condition in his car even though they were driving with the windows rolled halfway down. Napreskuhan naman ang pakiramdam niya, yung nga lang, nahuhuli niya ang binata na patingin-tingin sa kaniya. That's when she realized that she looked provocative in her white tube top and ripped denim short shorts which exposed her beautiful pair of long legs. Bigla siyang nailang.

"C-Can you please stop staring at me and focus on the road?" She said without looking at him. "Mamaya maaksidente pa tayo."

"Wala ka bang ibang damit diyan sa bag mo?" Kakamot kamot sa ulo na sabi ng binata. "You came out looking too sexy."

"What?" Biglang lingon niya dito. "I always dress like this." Takang sabi niya. Hindi pa ba ito sanay sa kaniya eh halos araw araw nga ito sa bahay nila?

"Alam ko. And God knows how I freakin love it but, not here-

Nagulat na lamang siya nang biglang mag-preno ang binata.

"Fuck!"

"W-What's wrong?" Kabadong tanong niya kay Kline.

"Shit! Yan na nga ba ang sinasabi ko." Napahilamos ito. "Wear your jacket. Bilis!" Utos nito sa kaniya na mabilis naman niyang sinunod. Hinubad din ng binata ang suot na flannel shirt at itinakip sa mga hita niya.

"Wait Kline what's happening?" She nervously asked him.

"Gago 'tong mayabang na 'to ah! Labas!" Sigaw nang malaking lalaki na mataba ang katawan na nakasakay sa isang motorsiklong nakaharang sa harap ng kotse ni Kline.

Noon lang niya napansin na nasa isang crossroad sila ng isang maliit na bayan. May mga tao din na nakamasid sa kanila.

"Kline don't! Please hayaan mo na. Let's just find another route." Awat niya sa binata. Alam niyang hindi umuurong sa ganoong sitwasyon si Kline pero natatakot siya baka mapaano ito. Nag-iisa lang ito at baka may mga kasama pa iyong lalaking nag-aamok sa labas.

Kitang kita niya ang pagtitimpi ng binata. His hands were even clenched on the stirring wheel.

"Bababa ka ba diyan? O babasagin ko 'tong windshield ng kotse mo?! Baba!" Matapang at galit sa sigaw muli ng lalake.

"Pare, ang angas mo naman yata. Sa iyo ba itong daan?" Hindi napigilang sagot ni Kline sa lalake kaya naman lalong siyang kinabahan.

"Kline ano ba? Ang tigas naman ng ulo mo. Please alis na tayo." Hawak hawak niya ang binata sa braso dahil mukhang hindi nito uurungan iyong lalake na naghahamon sa labas.

"Hoy! Baka hindi mo ko nakikilala! Ako ang boss sa lugar na 'to!" Sigaw nang lalake.

"Ang yabang nito ah." Kline smirked. Binuksan nito ang pinto ng kotse at mabilis na bumama.

Kline's Beautiful DownfallNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ