Chapter 22

95 5 1
                                    

"What?! Sigurado ka na ba dyan girl?" Exaggerated na sabi ni Clarance sa kabilang linya habang kausap niya ito sa cellphone. Yes, Clarence might sounded shocked but she knew he wasn't surprised by her decision.

"Mmmm... yeah, itutuloy ko na yung plano ko." Napapabuntong-hiningang sagot niya.

I have no choice but to do this. Ito lang ang solusyon na alam ko. Malungkot na sambit ng isipan niya.

"Hay naku ha! Pwede ba Ysabella Sebastian mag-isip ka nga muna. Huwag kang ngang padalos-dalos dyan."

"Sis, napag-isipan ko na itong mabuti. And I made up my mind. Don't worry, I will be fine."

There was a pause. Alam niyang nag-iisip ang kaibigan.

"Haay.. ano pa nga bang magagawa ko." Clarence gave up. "Worried lang talaga ako sis. Saka isa pa, hindi kita masasamahan doon."

"Ang corny mo na Clarence Chua ah." She jokingly said. But she was really touched by how much her bestfreind cared about her. "I will be fine. Basta ikaw na muna bahala sa Ysabella Signatures while I'm away ha."

"I promise sis, huwag mo nang intindihin ang Ysabella Signatures. Ako na ang bahala. Wait... kailan ba ang alis mo?" Tanong nito.

"Today." She said so casually.

"What?! Naloloka na talaga ako sayo Ysabella Sebastian ah! As in?" Gulat na sabi ni Clarence. Napapangiti siya sa boses nitong high pitch.

"Ang OA mo na gurl sa totoo lang." She paused. "I really need to do this. And I think the earlier the better. Sooner, people will notice na lumalaki ang tyan ko, should I wait for that to happen? Sis alam mo naman ang media at mga tao dito sa Pilipinas diba?"

"Kung sabagay may point ka naman." Pag sang-ayon nito sa kaniya. "Pero gurl, kinakabahan talaga ako. Hindi muna siguro ako magpapakita sa mga jowable mong mga kapatid. Hindi ko kayang magsinungaling sis, saka baka pilitin nila ako... alam mo naman kung gaano karupok ang Lola Becky mo."

"Lukaluka! Syempre sasabihin ko na natuloy na ako sa one-year fashion design course ko sa Italy." Napabuntong hininga siya. "I will call may parents once I'm already there."

There was a pause again. She looked at her luggages. Tatlong araw na din siyang nags-stay sa condo niya while deciding wether to push through with her plan to fly to Germany upang doon itago ang pagbubuntis at doon na din manganak.

"Okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Clarence.

Napa-buntong hininga siya uli. Of course she's not okay. How can anyone be okay kung nasa sitwasyon niya? Actually, nilalakasan na lamang niya ang loob niya. Kung hindi lang sana nang-yari ito, hindi na sana niya kailangang magsinungaling sa mga magulang niya, sa pamilya niya. Yes, she hated her situation and she hated herself! She actually once thought of aborting her pregnancy but she couldn't do it. Hindi niya kayang idamay sa galit niya ang buhay na nasa sinapupunan niya nang dahil sa katangahan niya. She's so stupid that's why it happened to her.

There were tears forming at the side of her eyes. She gently touch her small tummy.

"I need to be okay sis.. Kailangan kong kayanin to." Garalgal ang boses na sabi niya.

"What about the father? I think it's really unfair for you na ikaw lang lahat ang-

"Sis, I don't wanna talk about it na. F-For me... he's dead. Hindi siya nag-e-exist." She closed her eyes. Her tears flowed. "I just want to forget about him.. about everything."

There was a silence again.

"What about Kline?" Pag-kuwan ay tanong ni Clarence.

She bit her lips.

Kline's Beautiful DownfallOnde as histórias ganham vida. Descobre agora