Chapter XLVII

Magsimula sa umpisa
                                    




Pangalawa, sino ba siya? Hindi naman siya kawalan para sa akin eh. Sabi ko nga, kaya ko ng wala siya. Nakayanan ko nga noon diba? Dalawang taong walang tawag, walang text, walang siya... nakaya ko! Ito pa ba? Ito lang ba? Napakaliit na bagay.





"Huy. Kanina pa kita kinakausap ah." kublit ni Jam na siya namang nagpabalik sa ulirat ko.




"H...ha? Talaga? Ano bang sabi mo?" wala sa sarili kong sagot.




"Sabi ko, mag-move ka pa pakanan. Uupo sila oh?" Sabay turo niya doon sa tatlo, kay Miko, Trey at err... Gray.





Move-on. Move-on. Bakit kung makapagsalita sila tungkol sa pagmomove-on parang ang dali dali? #Hugot





Nanatili pa rin ako sa gitna nila ni Jed. Habang katabi ni Jam si Trey, sunod si Miko tapos si Gray.





"Jam!" tawag niya. "Long time no see ah. Kamusta ka na? Gumaganda ka lalo." usal pa ni Gray.




"Emeged. Hahaha. Ok lang. Maayos. Ikaw? 'Di ka nagpapakita ah. Nakabuntis ka na 'no? " napahalakhak naman si Gray.





Napatulala ako. Hindi ko alam pero mayroong kakaiba sa mga tawa niya. Parang mahahawa ka. Mapapangiti ka rin. At noong tingnan ko 'yung mukha niya, nakita ko na lang 'yung sarili kong nakangiti na rin. Nakaramdam ako ng pagkislot ng puso ko. Bumilis 'yung tibok. Hindi ako tanga para hindi marecognize kung bakit ako nagkakaganito. Ang sabi ng utak ko, tumigil na ako. Pero ayaw sumunod ng katawan ko. Kahit anong sigaw ng utak ko na itigil ko na, 'yung mata ko, nananatiling nakatitig lang sa kanya. Nakaramdam ako ng pangungulila. Parang gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang hawakan. Kaso hindi pwede. Hindi na pwede.





"Ikaw? Kamusta ka na..." napalunok ako ng laway. Napatingin siya sa'kin. Kakausapin niya ako. Ha! Hindi din pala siya nakatiis eh. Akala ko ba galit siya sa'kin? Anong gagawin ko kapag tinanong niya ako kung kumusta na ako? 'Miss na kita?' Ayy... erase. Hindi 'yun. 'Heto, ok lang. Masaya. Hindi na kita nakikita eh.' Siguro mas astig 'yun. Ipapamukha ko sa'yong hindi ka kawalan!

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon