HER FINAL PHASE

66 4 1
                                    

This is the final phase. My next post will be the epilogue. Thank you for reading my first installment story of Triggered Issues Series. 


I still can't really believe it

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

I still can't really believe it. It was like a very beautiful dream that I just not wanted to wake up from so much that I could no longer handle the sheer joy in my heart-it was overflowing.

Hindi ako naghangad o umasa sa ganitong bagay. Hindi na ako naghangad ng malaki pa. Araw-araw na lang ako nagpapasalamat sa Kaniya at syempre, ang tanging gusto ko lang naman ay nasa mabuti kaming kalagayan lahat. Yun lang.

Natuto na akong makuntento sa buhay ko, sa buhay namin, naging maayos na rin ang relasyon namin ng mga pamilya ko. Hindi naman nila ako binigo katulad ng ipinangako rin nila sa akin... tuluyan na nilang napatawad at natanggap si Heimlich ng pamilya ko, sa pananatili na ni Heimlich sa buhay namin ng anak ko, sa pagcha-tiyaga niya sa aming mag-ina at tuluyan na akong nakatapos ng kolehiyo at stable na sa pangarap na trabaho... wala na yata akong maihihiling pa.

Masasabi kong hindi pa naging huli ang lahat ng bagay para sa akin.

Akala ko matatanggap ko ng wala ng pag-asa, na hindi na mangyayari ang matagal na inaasam ko... pero nangyari na. Kahit paunti-unti, bigla na lang mangyayari sa hindi ko inaasahan.

Hindi naging madali, mahirap, pero... nagawa ko. Sa kagustuhan ko, nagawa ko. Sa tulong na rin ng mga taong nasa paligid ko na nagbibigay ng lakas sa akin... lalo na sa anak ko. Hindi nila pinaramdam sakin na hindi na ako nag-iisa. At sa nangyayaring ito, hindi ko naman inaasahan na kahit hindi ako humiling ng husto ay kusa talagang ibinibigay ng itaas sa akin.

Kinakabahan, hawak ang kulay na madugong kumpol na rosas, madiin ang pagkakakapit ko roon habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin.

Bumuntonghininga ako ng malalim. Halos di ko na makilala ang sarili ko sa pagkamangha ko sa kabuuan ko.

The artist and the designers were polished as they adorned me perfectly. At kapag titingnan ko ang repleksyon ko sa salamin, parang hindi ko iisiping ako ito, hindi ko kilala at para syang reyna ng kagandahan na walang katiting na maipipintas sa itsura niya.

"You look like a diamond, Miss Adelaide... Every aspect of your beauty is truly luminous." puna na isa sa mga nag-ayos sa akin nang lagyan niya ako ng kolorete sa katawan.

Nanginginig sa nerbyos ay nagawa ko pa ring gantihan siya ng ngiti at pinasalamatan.

Ang ganda ko. Sobra...

I was about to be greeted at the giant door when it suddenly opened spontaneously as I heard the gentle trumpet sound playing in my ear.

Kusang kumalabog ang puso ko ng husto nang masalubong ko ang loob. I hear every muffled and distant chatters. Sa kalagitnaan ng kaba ay hindi ko maiwasang mamangha, sobrang ganda... para bang malayo sa reyalidad na mundo gayong totoo naman ang nakikita mo. Halos kuminang ang mga ito, sila... sa paningin ko.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora