PHASE 36

18 3 0
                                    


"I must say, that your activities with your majesty is quiet... strong-willed, Phryne."

Makahulugan niyang sambit habang hindi rin napupuknat ang ngisi sa labi.

Natawa ako at napakagat sa ibabang labi, napapailing siya'y tinapunan ko ng tingin. "And I didn't know that my majesty is so tough and romantic." I said as I scrunching my nose.

"I doubt that." natatawa niyang sambit na parang hindi siya makapaniwalang sambitin ko iyon.

"Why not?"

"He wasn't like that before."

"What? Romantic?" tumango siya. "That's impossible! Heimlich is probably bringing a lot of women here!" nangasim ang istura ko pagkasabi non.

Well, possible nga itong naiisip ko. Sa ganung edad niyon? Susko! Alam na alam ko na. Kahit na nakakairita mang minsan isipin ay tanggap ko na.

She shook her head at me. "Yes, Heimlich is known as a womanizer and t-thirsty uhm.. sexually starved. But not once in his life has he brought a woman here." she bit her lip. Namula ang kanyang pisngi nang matanto sa pagkakadulas ng kanyang sinabi.

Hindi ko alam kung matatawa ba muna ako dahil sa nahihiya niyang istura o magugulat sa nalaman. Maging ako rin ay hindi ko maiwasang magulat sa kanyang sinambit. Mukha siyang mahinhing babae at pormal magsalita pero ganito maririnig ko sa kanya.

"O-Ows?"

Tumikhim siya at marahang ngumiti at tumango sa akin. "Yes, Phryne. Surprisingly, you're the only and first woman he's bringing here to his castle." ako naman ay tila naubo sa kanyang sinabi.

Nakita ko irap niya at tawa sa repleksyon namin sa salamin sa naging reaksyon ko. Sino bang hindi magugulat? Seryoso ba siya? Totoo?

Sa mahigit ilang araw ko na rito, madalas ko laging kakwentuhan ang isa sa mga kasambahay ni Heimlich. At sa wari ko ay siya lang yata nalalapit ang edad sa akin. Maganda rin itong babae, bughaw ang mata, ang kanyang buhok ay mukhang natural na blonde at palaging nakaayos ang tali nito at hindi mukhang magulo, habang suot ang kanilang uniporme. Maganda at metikulosang babae.

"Is your boss really like that? Moody. I don't often understand his behavior but he's also sweet somehow." kumento ko pa sa kanya.

Ipagpapasalamat ko na lang talaga sa langit na kahit papaano ay may nakakausap akong babae rito. Minsan kasi hindi ko maiwasang mabagot rito dahil madalas pinagpapaalam ni Heimlich na may inaasikaso itong anumang trabaho at na laging may kausap sa telepono. Napapansin kong, nagiging masyadong abala na siya.

Kaya mabuti na lang talaga at may nakakausap akong iba. Paano kasi, kadalasan ang iba, kapag nakikita ko, palaging maraming abala. Parang hindi nauubusan ng gawain. Si Olive lang madalas kong matiyempuhan na makachikahan dahil siya ang madalas gumawi rito sa tinutulugan ko para minsan hatiran ako ng meryenda, maiinom at o kaya ay gigisingin ako. Actually, maganda talaga siyang babae. Ang isang tulad niya ay hindi mo aakalaing isa sa mga naninilbihan rito.

Parang yung tipong ang ganda niya ay hindi nababagay sa trabahong ito. Mukha pa rin siyang prinsesa sa paningin ko. Iba rin ang istura at kulay ng mata sa ibang naninilbihang nakikita ko rito. Kapansin-pansin kasi ang asul na kulay nito.

Dinig kong napabuntong-hininga siya at ngumiti.

"Actually, he's kind. But since the tragedy that befell their family, he's been like that. He's often cold and ... hard. He has been through a lot of things... things and it has not been easy. I'm one of the witnesses." saglit kami nagkatamaan ng tingin. "He changed until we're used to it."

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now