PHASE 27

18 5 0
                                    


"This is the best day ever!"

Hindi ko naman birthday, pero parang pinaramdam niya sakin na birthday ko sa daming gamit na nakikita ko.

Kulang na lang ay tumalon-talon ako sa kama sa dami ng pinamili namin. Paano ba naman ako hindi makapag hunos dili sa tuwa, kung punung-puno ng mga paper bags and box itong penthouse niya.

Masyado naman niya yata ako in-spoil sa mga damit at sapatos, no? Pati make-up, at syempre panty ay meron din! Hindi niya talaga pinalampas at lahat ay mamahalin, punyeta!

Impit ako napapairit sa tuwa habang abala sa paghalungkat ng mga pinamili. "Ang cutie! Bagay talaga sakin!" halos manginig ako sa kilig habang pinagmamasdan ang pagsukat ko ng stilettos na saktong-sakto sa paa ko na si Heimlich mismo ang nagpili sakin dahil wala ako masyadong alam pagdating sa mga foot wears.

Sabi pa nga niya kanina ay kulang pa raw ito sakin. Mabuti at inawat ko na siya, dahil para sakin ay sapat na ito, sobra-sobra pa nga! Pumayag naman siya, yun nga lang, kapag umalis kami at makarating sa pupuntahan ay ipag-sha-shopping niya pa raw ulit ako.

Hindi ko maramdaman ang pagod pagkauwi dahil na-excite akong buksan ang mga kahon. Kahit na ang daming pinamili at halos hindi madala lahat pauwi, pinalagay niya pa ang mga ito sa limousine pabalik sa hotel.

Medyo busog pa din ako dahil kumain rin kami sa mamahaling resto kanina at isa pa... sagot na naman niya! Oo! Ni barya! Ni barya wala akong nilabas! Dito ko natanto na, ang sarap-sarap talaga niya talagang kasama.

Para tuloy kung papipiliin ako kung sa sampu o benteng customer na lalapit sa akin laban sa kanya, ay walang ura-uradang pipiliin ko 'tong lalaking 'to kahit nag-iisa. Alam niyo, hindi kasi siya barat. Napaka mapagbigay niya at hindi madamot pagdating sa pera.

I'm starting to like him na talaga—I mean! As a customer.

"Hindi ba napapagod ang labi mo kakangiti?"

Napaigtad ako nang hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya, naka topless at mukhang bagong paligo habang may hawak na kopitang may laman na wine.

I sniffed and sniffed. Why do I feel, I have already smelled its strange scent? Why does it seem familiar to me?

"Heimlich!" lalong lumawak ang ngiti ko nang mag-angat ako ng tingin ko sa kanya na kagagaling lang siguro sa kusina o living o ewan ko!

"Look busy, huh?"

"Hindi naman..." halos di na mapuknat ang labi ko sa ngiti. Gusto kong pasalamatan siya sa sobra-sobrang pagbibigay niya. Wag siyang mag-alala, aayusin ko ang trabaho ko para sa kanya.

"Ikakaltas ko na lang 'yan sa one million mo."

"H-Huh?" napatigagal ako.

Putang ina! Hindi maaari!

"Di nga?" tanong ko pa sa kanya.

Malademonyo itong napangisi. "Kidding."

"Oh, god," napaupo ako sa kama at napahinga ng malalim. "Punyeta.. kinabahan ako run, ah..."

"Ang hirap mo palang bilhan ng madaming gamit, no?"

Napaamang naman ako. "B-Bakit naman?" nagsisisi na ba ito sa nadami niyang nagastos sa akin? Naubos na ba pera niya!?

Baka... hindi na niya ako mabaayaran ng buo pa!?

Sumalin muna siya ulit ng wine sa kanyang baso at agad na lumagok kasabay ng pagtuon muli ng tingin niya sa akin.

"Kasi nawawala ang atensyon mo sa akin sa ibang bagay..."

Nagparte ang labi ko at imposible siyang pinagmasdan. Hanggang sa natawa na lang ako sa seryoso niyang pagmumukha at sa sinabi niya sa akin. Tangina! Anong bang pinagsasabi nitong lalaking 'to?

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now