PHASE 22

19 4 0
                                    


"That's it!" saka ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pag-shot ng Margarita sa inumin ko.

"Holyshit! Really?" hindi makapaniwala itong tumingin sa akin.

"Yea? Mukha ba akong nagbibiro?"

Napangiwi ito at umiling. Medyo dismayado. "Eh anong nangyari pagkatapos niyo? Sinaktan ka ba niya? Wala naman 'bang karumaldumal siyang ginawa sayo?" mahihimigan ang pag-aalala rin sa boses nito.

Umiling ako. "Psh. Akala ko nga katapusan ko na, eh."

Kinuwento ko na rin sa kanya yung mismong kami na ang dalawa ng lalaking yon. Pero hindi naman detalyado kung paano kami nag-sex at anong position naming dalawa at anong ginawa ko... hindi yon! Hindi ko sinabi! Kahit kailan ay hindi ako nagkwento sa kanya ng mga ganyang bagay kahit na matagal na kaming magkaibigan! Palibhasa kasi, kinukwentuhan niya ako noon sa mga karanasan niya, eh. Kinuwento ko lang kung paano nangyari sa puntong iyon... kung bakit ako pa talaga ang napili niya. Ng lalaking yon.

"Crazy, right?" nakataas ang kilay kong bumaling sa kanya.

"Oh my god, he's crazy nga!"

"I told you! Ang creepy. Baliw yata 'yon, eh." ani ko na parang kinilabutan pa ako sa buong katawan.

"Baka baliw sayo." sabay makahulugang ngiti niya.

Napaungol ako at binigyan siya ng imposibleng tingin. "Oh, my god. Stop it, Mari! Still a creep for me. Hindi naman nakakakilig. Bakit ka mukhang kinikilig?" tumaas ang kilay ko sa malisyosang inaasta niya. Napapailing at bumuntonghininga ako ng malalim. "Kung ikaw kaya nasa posisyon ko, baka mainis ka rin at matakot—"

"Hindi ako maiinis sa kapogian niya kahit na alilain niya pa ako." putol niya sa sinabi ko.

Napairap ako sa kanya. "Kahit na! Kung pogi nga, pero may saltik naman? Huwag na lang, no! Ayus-ayusin mo nga minsan pagdedesisyon mo sa buhay pagdating sa lalaki, Mari. Kaya walang kanong nagtatagal sayo, eh! Pag pogi, sapat na!"

"Wow, ha? Sayo pa mismo nanggaling sayo frenny kong fokfok? Burikat na 'to, dinamay mo pa ako. Pero seryoso, tanong lang. Sige nga... pano kung interesante talaga siya sayo? Anong gagawin mo?"

Kumunot naman ang noo. "Oh, edi maglaway siya sa alindog ko! Yun lang."

"Wow... ang haba naman ng bulbol mo. Pero ang pogi niya talaga, Prina!" palibhasa kasi kilala niya yung pinapantasyahan niya.

Ewan ko kung paano niya nakilala? Siguro naging customer na rin yun ni Mari minsan. Ewan. Hindi ko naman madalas makita rito sa bar yung lalaking 'yon, eh. Kaya imposible talagang suki siya rito. Ang unang beses ko lang siyang nakita ay nung sa mismong mamahaling hotel sa Beverly Hills.

"No way. Creepy pa rin kahit na ang galing niyang..." saglit ako lumunok nang sumagi na naman siya sa isip ko. "humalik. Kahit na ang macho-macho nya tapos ang bango-bango. Lalo na ang balbas niyang nakakakiliti. Kapag hinawahawakan niya ako, kahit na kinakausap niya ako.. ang bango ng hininga niya. Damn. So creepy but damn so sexy—" suminghap ako saglit at umiling. "pero creepy!" halos magtalo ang isip ko habang nagsasalita ako.

Ngayon ko lang napansin na para akong natatanga.

"Okay... okay hold your breath. Para kang gigil diyan , eh." pagpapakalma ni Mari na nakatingin sa likod ko. Baka maghahanap na naman itong pupuchuin.

Nakakagat pa ang labi nito eh, siguro may natitipuhan na naman ito. Haynaku. Palibasa 'pag pogi talaga, go agad siya. Hindi man lang niya inaalam kung madatung ba, samantalang yun pa naman ang itinuro niya sa akin. Bakit hindi niya ma-apply sa sarili niya? Ewan ko talaga sa babaeng 'to. Pag pogi, bumibigay agad!

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Där berättelser lever. Upptäck nu