PHASE 69

13 4 0
                                    


"Paano mo pala kami natunton dito ng hindi ka nagsasabi sa'kin nang umuwi ka?" takang tanong ko sa kanya.

Pinipilit kong kumalma dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nararamdaman ako na ang presensya ng kaisa-isang taong tinitibok ng pempem-este ng puso ko.

Kumibot saglit ang labi niyang nang makalingon sa akin. "Alam kong galit ka dahil ilang araw mo akong hindi kinausap. Kaya... sa kaibigan mo na lang ako nagtanong."

"Ha?" ani ko tila hindi ko nadinig ng maayos dahil abala ang mata ko sa bawat galaw niya.

"Mari's told me." he said.

Napatango na lang ako. Sabagay, sa dalas ba naman namin nag-uusap ni Mari ay wala rin akong inilihim sa kanya kahit na magkalayo na kami. Si Mari lang talaga madalas na kausap ko bukod pa sa Kuya Premi ko sa nangyayari sa buhay ko. Siya lang talaga kasi madalas mangamusta. Napanguso ako sa isiping, may nalalaman siguro si Mari, na alam niyang uuwi si Heimlich at hindi sinasabi sakin!

Malabo naman kasi talaga hindi niya malaman dahil alam kong madalas pa rin siyang buntutin ni Martino! Natatawa na lang ako sa pabebeng babaeng 'yon kapag naaalala ko kung paano siya magreklamo dahil kinukulit daw siya ni Martino! Hinahayaan ko na lang nga eh, kahit naman i-deny pa niya, halatang-halata naman siya na gusto niya yung kalbong 'yon.

"Pero sa totoo lang, kahit naman hindi ka galit at hindi nagparamdam sa akin, hindi pa rin naman kita tatanungin,"

Napakunot ako. "Aba't—"

"I will find and find a way to get here without you knowing. Surprise nga, 'diba?" tumaas ang kilay niya at ngumisi sa akin.

Sa kalagitnaan ng aking inis sa sinabi niya, sa isang banda ay hindi ko maiwasang makilig kahit papaano sa sinabi niya. Inirapan ko sya para matabunan ang pagkubli ng aking ngiti.

"Parang tanga..." anas ko sa kanya.

He just gave me a boyishly smile. Lalong bumakat ang dimpled chin nito na lalong ikinalakas ng gwapo niya sa paningin ko.

Pero 'di bale na... ang mahalaga, nasa harap ko na siya... anytime pwede ko na siyang mahawakan... mayakap... mahalikan... Ang taong matagal na pinangungulilaan ko, pinaglulumbayan ko... at kinasasabikan ko ay nandito na ngayon sa harapan ko... kasama na namin ng anak ko.

"Natakot ako na baka hindi ka na talaga bumalik..." aminado kong sambit sa kanya.

Totoo. Na kahit nagalit ako sa kanya, mas nangibabaw sa akin ang takot. Hindi ko maiwasang maisip din... na paano kung hindi talaga biro yung sinabi niya? Paano kung hinayaan niya talaga kami? Paano kung lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama? Paano kung napunta lang sa wala ang paghihintay ko? Paano kung mag-isa na lang talaga ako magpapalaki sa anak ko? Paano kung napagod nga siya... nagsawa nga talaga... at tuluyan niya na kaming kinalimutan... nawalan ng pagmamahal sa akin... sa amin.

Parang... ang isiping iyon hindi ko na kakayanin.

Sa dami ng aming pinagdaanan, pakiramdam ko mababaliw siguro ako sa sakit... bukod don ay baka nga mapagod na lang ako. Mapagod na lang akong magmahal. Sa tindi ng pagmamahal ko na naramdaman ko mula sa kanya, sa unang subok, unang sugal sa unang lalaki... lahat binigay ko sa kanya, wala akong naitira, ni hindi ko rin lubos maisip kung meron pa ba akong mamahalin na iba.

Dahil kahit na anong gawin at isipin ko, tanging imahe lang niya ang nakikita ko minu-minuto, segu-segundo, oras-oras, magdamag, dalawang araw, tatlong-araw, buong-araw, bukas... hanggang kinabukasan. Tanging siya lang talaga nakikita ko, wala ng iba.

"I was too afraid that I might not be able to come back to you either... but here I am, back to you again. Wala ng balak pang umalis." sigurado niyang sambit, patunay ang malaki niyang ngiti para mapanatag at maniwala ako sa sinabi niya.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now