PHASE 28

26 5 0
                                    


Nakaramdam ako ng bahagyang paghalukay sa tiyan ng maramdaman ko ang pagkahilo. Unti-unti kong iminulat ng kaunti ang aking mata habang hinihilot ang aking sentido. Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako. Halos di ko mapakiramdaman ng maayos ang katawan ko sa pagkamanhid dahil sa kapaguran. Medyo nahihilo pero parang lumulutang talaga ako habang nakahiga ako.

At nang magbaba ang aking paningin ay ganito pa rin ang ayos ko, walang suot, at tanging nababalot lang ng puting kumot sa aking hubad na katawan. Sa kaunting galaw, ay may gumalaw sa tabi ko at naramdaman ang pagpulupot ng isang braso sa aking baywang. Pasimple pang may humihinga at sumisinghot-singhot sa leeg ko.

Nang malingunan ko kung sino iyon, hindi na ako nagulat pa nang makita ko si Heimlich na nasa tabi ko. Tuluyan akong humarap sa kanya ng makitang nanatiling nakapikit ito. Pansin ko rin ang pula ng kanyang leeg. Parang bakat ng mga kuko. His neck is really like covered with scratches and small deep wound caused by my... nails, I think?

Am I really that wild last night? Damn.

At habang nakatitig ako sa mukha niya ay saglit kong naalala ang pangyayari. Kusang hinawakan ko ang kanyang leeg at bahagyang hinaplos. Baka sakali mabawasan ang hapdi nito. Ang sakit siguro nito sa kanya.

"You're awake..." nagmulat siya nang siya ay magsalita.

I quickly withdrew my hand when I could see his bluish green eyes again.

Tumikhim ako. "U-Uh... yea." I bit my lower lip and averted my eyes. "Nagising ako kasi medyo sumakit ang ulo ko."

"Why? You not feeling well?" anito sa mahina at mababang boses.

Tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo. Napaka lapit ng mukha naming dalawa para maamoy ko ang kanyang napaka bango na hininga.

Saglit akong nahalina ng dumapyo ang hininga nito sa mukha ko, lalo pa't natutusok ang matangos na ilong nito sa pisngi ko. Kahit papaano, nabawasan ang pag-iikot ng aking paningin at sakit ng sentido. Ngunit agad akong napapikit ng mariin ng magtama ang aming mata kasabay ng pagtihaya ko at diretsong tumingin sa kisame.

Kahit nakatagilid ay kita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang kanyang nakapukol na tingin nito sa akin. Bakit ba ang hilig niyang manitig? Parang sa tuwing tititig siya ay sapat na iyon sa kanya, kahit na walang salitang lumalabas sa bibig niya.

Hinilot ko sentido ko at napapikit ako. "Maybe... I feel like I'm floating..." mahinang utas ko at napaungol ako sa sakit.

Bakit ba parang umiikot ang paningin ko?

"You certainly are." sagot niya sa mababang boses.

"Ha?" nilingunan ko siya saglit. Ibinalik ko naman ulit ang tingin sa kisame. Nawirduhan naman ako sa aura, dahil parang kakaiba.

"We've boarded the plane."

"Ah okay..." agad na bumalik ang tingin ko sa kanya. "Tangina!?"

Gulantang akong lumingon sa kanya. Tumayo siya at inayos ang nagusot na damit... damit!? Bakit siya nakadamit!? Nakita kong nakabihis na pala ito! At pormado pa! Kaya naman pala ang bango-bango niya lalo. Shutang inang 'to! Tsansing naman pala kanina! Samantalang ako... hubad na hubad pa sa tabi niya! Hindi man lang ako ginising at sinabihan na magdamit na ako! Saan ba ito pupunta?

"Anong sabi mo?" lalong sumakit ang sentido ko ng bahagyang bumangon ako habang nakaupo pa rin sa isang kama at hinihilot ang sariling sentido.

Lumilindol ba? Bakit pakiramdam ko, parang gumagalaw ang kinatatayuan namin? So weird.

"We board the plane." ulit niya at napairap ito.

"Ano? You mean... lipad? Fly fly in the sky? I mean, nakasakay sa eroplano, ganern?" paninigurado kong tanong sa kanya.

The Adelaide for Majesty: (sense of self-worth. family feud.)Where stories live. Discover now